RSS

Monthly Archives: November 2011

Fried Siopao


Alam ko hindi enticing ‘yong picture, but believe me, masarap ang FRIED SIOPAO!

Maliit lang ang Fried Siopao pero malaman at siksik. Kahit isa lang nito mabubusog ka. Fried Siopao is one of my comfort food. Actually, ‘di ko alam kung paano aging fried ang siopao na ito. Kaya kung gusto n’yo ng bagong food trip, just visit Binondo and have a taste of it 🙂

Advertisements
 
2 Comments

Posted by on November 24, 2011 in Food Porn, Rants and Raves

 

New Bibo Kid in Town

Hindi ako masyadong mahilig sa kids and I don’t hate them either. Tamang timpla lang. Bihira lang ako maka-meet ng mga kids na talagang pinanggigigilan ko at gusto kong ampunin(?). Seriously, ayoko ng batang maingay at maraming tantrums sa katawan. Gusto ko ‘yung bibo but not over pa-bibo. Kuha nyo?

So, last week we were at Mall of Asia and I met this bibo kid (read: smiles a lot, saying Hi and Hello and talking random things to me) at Pizza Hut. Kasama nya yung Mommy nya (na akala ko ate nya). Nag-ask ako ng permission sa mommy nya if I can take a picture of  Giselle (Bibo kid’s name) at buti pumayag ang mommy nya. Grabe sya mag-smile. Ang cute cute nya. Naisip ‘kong sana sa’min na lang sya. ‘yong pwedeng ipagpaalam sa Mommy nya na sa amin na sya.

Here’s Giselle:

Sabi sa inyo eh, mahilg sya mag-smile. 🙂

Ang dami nyang kwento including her new toys at nagtanong kung may kapatid ako at kung anong name. The kid’s really madaldal. When I took a picture of her, nagtanong sya kung pwede nyang makita ‘yong picture nya. And boy, she showed her widest smile and said, “Ako yan!”

My take-out pizza arrived at bago ako umalis, I decided to bid goodbye. Di naman ako nabigo kasi ‘nong tinignan ko sya, she’s looking at me with a smile. She waved at me and I did the same. Sabi nya, “Bye bye” with todo ngiti. I swear, hindi ako OA when I said todo.

Sana may ma-meet ulit akong batang tulad nya, tulad ni Giselle.

 
Leave a comment

Posted by on November 21, 2011 in Rants and Raves

 

Cinemanila International Film Festival 2011

Movie Enthusiast? Film Buff? I’m sure swak ang Cinemanila International Film Festival para sa’yo.

Cinemanila International Film Festival is headed by Tikoy Aguiluz, one of the leading directors in the Philippines, together with Taguig Mayor Lani Cayetano. The said festival will be held starting November 11 to 17, 2011 at Market! Market! Cinemas in Bonifacio Global City in Taguig City.

Bukod sa competition films (InternationalSoutheast Asian (SEA) and Young Cinema Competitions), they will be conducting workshops and some exhibition screenings.

Eto ang listahan ng mga pelikula:

International Films in Competition:

Gangor (2010) by Italo Spinelli (Italy)
If I Want to Whistle, I Whistle (2010) by Florin Serban (Romania)
Once Upon a Time in Anatolia (2011) by Nuri Bilge Ceylan (Turkey)
Poetry (2010) by Chang-dong Lee (South Korea)
Siglo ng Pagluluwal (Century of Birthing) (2011) by Lav Diaz (Philippines)
Sun-Beaten Path (2011) by Sonthar Gyal (China)
Toomelah (2011) by Ivan Sen (Australia)

Southeast Asian Films in Competition:

Boundary (2011) by Benito Bautista (Philippines)
Eternity (2010) by Sivaroj Kongsakul (Thailand)
The Mirror Never Lies (2011) by Kamila Andini (Indonesia)
Water Hands (2011) by Vladimir Todorovic (Singapore)
Golden Slumbers (2011) by Davy Chou (Cambodia)

Young Cinema Shorts In Competition:

123 by Carlo Obispo
Ang Gugma ni Olivia (Olivia’s Love) by Christian Linaban
Canto III by Keith Sicat
Inosensya (Innocence) by Mikhail Red
Kapatid (Brothers) by Steven Flor
Saranghae My Tutor by Victor Villanueva
Sirip (Glimpse) by Kim Camelo

Young Cinema Shorts In Exhibition

Agos (Waves) by Samantha Lee
Bleached by Jess dela Merced
Dadi by Ilsa Malsi
Huling Araw ng Pagsisilbi (Last Day of Service) by Bienvenido O. Ferrer III
Leaving Home by Epoy Deyto
Manenaya (Waiting) by Richard Legaspi
Pangako (Promise) by Sari Raissa Lluch Dalena
Sydney-Manila Express by Bor Ocampo

Horror Picture Show Films

I Saw the Devil (South Korea, 2010) by Akmareul boatda
Vanished: Age 7 (Japan, 2011) by Ryuta Miyake
The Tunnel (Australia, 2011) by Carlo Ledesma
Suspiria (Italy, 1977) by Dario Argento

The Beautiful Games Series

Docus:
Rise & Shine: The Jay DeMerit Story (2011)
Zidane, A 21st Century Portrait (2006)
The Two Escobars (2010)

Films:
Offside (2006) by Jafar Panahi
The Cup (1999) by Bhutanese director Khyentse Norbu
Number 9 (1989) by Pantelis Voulgaris 
Bend It Like Beckham (2002) by Gurinder Chadha
Happyland (2010) by Jim Libiran

Opening and Closing Films

Pina (2011) by Wim Wenders – OPENING
Life in a Day (2011) by Ridley Scott & Kevin Macdonald – CLOSING

For the screening schedule, you can download it here.

 
 

Ang Pangalan Ko Ay…

I was born with two given names. Super pang-babae nga eh. Pero sige, keri lang. Tutal ‘yong nickname ko eh pang-lalaki naman.

Pinanganak ako na ang unang pangalan ay nangangahulugang “Bitter”/”Rebellious”. Sa totoo lang, hindi naman ako ganun eh. Kahit kailan ‘di ako naging rebelde sa pamilya ko or sa kung ano pa mang bagay. At lalo namang hindi ako Bitter! Ang sarap sarap mabuhay para maging bitter.

Eto ang ebidensya:

Move on na tayo. ‘Yong second name ko naman, ang ibig sabihin eh “Heart“/”Dear“. O diba, ang bait pakinggan. 🙂 Bagay sa’kin. Hehehe.


Pero aaminin ko, noong mas bata pa ‘ko, ayoko ng pangalan ko kasi ang tingin ko eh pang-matanda at saka nababaduyan ako. Syempre, wala naman akong magagawa dun kasi bigay ng nanay at tatay ko yun. Kaya sabi ko gusto kong palitan ‘yong pangalan ko ‘pag tumanda na ‘ko.

Meron na nga akong napiling name na ipapalit sa pangalan ko. Ang gusto ko sana eh ANDY. Masculine ang dating ‘no? Pero ayos lang sa’kin kasi ang ganda pakinggan eh. Tsaka gusto ko talaga yung mga names na ang may-ari eh babae. Tulad ng Alex, Jordan, Jamie, Riley, August, Billie/Billy or Martin/Martinne.

Sabi nga, nothing is permanent except change. So, habang lumalaki ako, eh natutunan ko nang tanggapin ‘yong pangalan ko. Hindi rin naman sya masamang pakinggan at parang ang sosyal nga ng dating. Pang-mayaman baga 🙂

‘Yong nickname ko, solb  na ‘ko dun. Ang dami na ngang variations nun eh. May Marky, Marky Man at Marcs. ‘Yong iba ‘di ko na maalala.

So, ngayon, kuntento na ‘ko sa pangalan ko. Kung wala yung pangalan ko, wala rin akong identity sa mundo. Ito ang unang pagkakakilanlan sa atin. It’s just a matter of acceptance. Well except kung ang bata eh pinanganak sa panahon ngayon and yet the parents gave PROCOPIO or ANDENG as their baby’s name.:)

P.S. Salamat sa Wikipedia at Baby names World para sa name reference.

 
6 Comments

Posted by on November 5, 2011 in Rants and Raves

 

Kababalaghan… Magandang Gabi Bayan (MGB) Special Halloween

Kung meron kang maalala from you childhood memories, ano ‘yon?

Ako, ang sagot ko dyan, eh, yung panonood ng Magandang Gabi Bayan (MGB) tuwing Halloween. Sa totoo lang bata pa lang ako nakahiligan ko na rin manood ng news. Naalala ko, ang MGB ay tuwing Saturday ng gabi. Lagi rin na may feature silang massacre news na pinapanood ko rin (weird lang na talagang sinusubaybayan ko yung ganitong klaseng news at nae-enjoy ko). Wala atang palya yun tuwing Saturday.

Balik tayo sa Halloween. Nae-excite ako tuwing sasapit ang November 1 kasi alam ko makakanood ulit ako ng mga ghost stories. Natatakot talaga ‘ko pero still walang makakapigil sa’kin na manood. Parang ito lang ‘yog rason ko para maging masaya pag November 1. Ghost stories for the win, sabi nga. Hindi naman din kasi ako matatakutin eh. Pwera na lang pag ramdam na ramdam ‘kong para akong mag-isa sa isang lugar.

Good thing may Halloween Special sila na talaga namang inabangan ng mga tao lalo na ‘yong kinalakhan ‘yong segment/episode nila. Gusto ko i-congratulate si Kabayang Noli de Castro kasi na-retain nya pa rin ‘yong creepy voice. Napansin ko rin na ume-HD na sila. Hehe. 🙂 Improving.

Excited kami ng kapatid ko eh kaya lang ‘di ko na tinapos kasi talagang inaantok na ‘ko. Malakas ang hatak ng antok sa’kin. Pasensya na, MGB. Next year, promise. Nevertheless, MGB still scared me that night. Hindi ko lang pinahalata sa kapatid ko kasi matatakot din yun. Nandoon pa rin ‘yong natatakot-ako-pero-gusto-ko-pa manood factor.

Dahil dyan, ayoko na ituloy ‘yong plano ko na bumili na mga antique furnitures ‘pag may sarili na kaming bahay.

More Kababalaghan next year?