RSS

Monthly Archives: December 2011

Bridal Shower

Isa sa mga pangarap kong mababaw (na gusto kong matupad) eh makakita ng lalaking stripper sa isang bridal shower na magaganap sa future from my friends’ wedding 🙂

Wala pa sa mga kaibigan kong babae ang nagbabalak na magpakasal. It’s either walang boyfriend ‘yan or sadyang pinapairal lang ang pagiging praktikal. Pero malaking porsyento ng mga kaibigan ko ang SINGLE at kasama ako doon. Pero nanatiling akong hopeful na makakahanap sila ng kapareha and eventually magpa-plano na ng kasal. Pero bago ang kasal, dapat magpa-BRIDAL SHOWER muna sila nang matupad ang pangarap kong mababaw. BWAHAHAHAHA!

Feeling ko kasi ang saya saya ng event na ‘yon. Bukod sa kasama mo ‘yong mga kaibigan mong babae, eh may libre pang show ng mga lalaki. BWAHAHAHAHA!

Ang wholesome ng picture for bridal shower, ‘no? 🙂

Sa mga kaibigan kong lalaki, nagkakalokohan na isasama nila ‘ko sa magiging STAG PARTY nila kung saka-sakali. Ang babait talaga nila. Pero syempre hindi hubad na babae ang gusto kong makita. Hindi ‘yon nakaka-arouse. BWAHAHAHAHA!

Seryoso ‘yang mga sinabi ko sa itaas. I’m not joking. Ngayon, naghihintay na lang ako ng tamang panahon para matupad ang pangarap na ‘yan.

So, I’m calling all my girl friends out there. Make my dream come true! 🙂

 
2 Comments

Posted by on December 29, 2011 in Rants and Raves, Uncategorized

 

Holy Innocents Day – Thank You/Goodbye

Hindi ko alam kung dapat ba ‘kong maglagay ng masayang entry ngayon. Ang December 28 ay Holy Innocents Day at ngayon ay ang aking kaarawan. At kasabay nyan ay ang pagpanaw ng aking lolo. Sa totoo lang ‘di ko alam ang sasabihin dito. Nakakalungkot lang na hindi ko man lang sya nadalaw noong nasa ospital pa sya. Basta nalulungkot ako pero hindi man lang ako maiyak.

Sabi nila, ako raw ang paboritong apo ng aking lolo at kahit paano naniniwala ako. Super close kami ng lolo ko eh. Spoiled din ako kahit papano sa kanya. Isa pang nakakatuwa, palabiro sya at hindi nauubusan ng kwento. Isang di magandang ugali nya eh maikli ang kanyang pasensya at madaling magalit.Pero ayos lang naman ‘yon sa akin.

Ang lungkot lang na ngayong kaarawan ko pa s’ya namaalam. Hindi naging masaya ang buong araw ko. Pero sadyang ganun talaga. Ang tanging bagay na dapat gawin ay tanggapin ang nangyari at magpatuloy sa buhay.

Kung nasaan man ang lolo ko ngayon, sana gabayan sya ng mga dakilang anghel sa itaas.

Bye Lolo, salamat sa lahat ng tulong at pagpapatawa sa’kin. Habaan mo na ang pasensya mo dyan ha.

 
Leave a comment

Posted by on December 28, 2011 in Rants and Raves, Uncategorized

 

Christmas Gift Giving

So far, 2011 has been good to me and sa pamilya ko. Though there are tough times, still, mas maraming FINE MOMENTS.

At isa sa mga FINE MOMENTS na sinasabi ko ay ang GIFT GIVING sa office. My officemates and friends are really generous. Ramdam ko ‘yong generosity nila. The best officemates ever ang PHMKTG 2. 🙂 Imagine, umaga pa lang ng December 22, tumatabo na kami sa pamimigay ng regalo. Halos ‘di na maka-concentrate sa trabaho dahil excited lahat. Sayang at wala akong litrato ng mga bagay ni binigay ko sa kanila.

Anyway, eto ang mga regalong natanggap ko mula sa kanila.

Boys and girls, alam n’yo na kung sino kayo. Maraming Salamat!

And the food I got from friends.

And the gift from my mama and papa.

I did not expect na ito ang ibibigay nila sa’kin. Hehehe. Ang nice, sa wakas meron na rin ako nito. 🙂

Now, ang regalong nakuha ko from our most anticipated exchange gift. Every year, excited kami sa exchange gift kasi this is the time that we’ll discover who’s behind the most controversial codenames for exchange gift.

Lastly, ang aking regalo para sa aking sarili.

Natupad din ‘yong isa sa mga nasa wishlist ko. 🙂

Sana naging masaya ang Pasko n’yo, mga kapatid. 🙂

MALIGAYANG PASKO!

 
2 Comments

Posted by on December 25, 2011 in Books, Rants and Raves, Uncategorized

 

Christmas Wish List 2011

Everybody’s (almost) creating a Christmas wish list kaya makikigaya na lang ako. Since bata ako hindi ako gumawa ng Christmas wish list. Kahit isa wala. Hindi rin naman kasi ako palahingi ng regalo.  Pero ngayong tumanda na ‘ko ng konti, umarte na lang ako at gumagawa na ng wish list. ‘Yong iba attainable at ‘yong iba sadyang kailangan ng pag-iipon. Hindi naman kasi ako mayaman.

So, this Christmas 2011, I am making a Wish List for the very first time. Sana mabasa ‘to ng mga generous na taong kakilala ko.

1. 1 TB External Hard Drive
Mahilig ako sa movies eh. Ayoko naman ubusin ‘yong espasyo ng Local D: ko. Hindit tuloy ako maka-download ng mga favorite films ko. Soon makakabili rin ako nyan. Wait lang.

2. The Beatles Stereo Box Set/The Beatles Remastered CDs

‘Di man halata na gusto ko ang The Beatles, eto at gusto ko magkaroon ng remastered cds nila. Last time I checked, umaabot ng 18k ang set.Pero gusto ko talaga nito.

3. Converse with a lower-profile sole

‘Yong original ang gusto ko syempre.

4. John Constantine Hellbrazer

Hindi ko matandaan exactly kung kailan ako nagka-interes sa graphic novel. Pero for my first graphic novel (sana may generous akong friend), gusto ko magkaroon ng copy ng John Constantine Hellbrazer. Since na-in love ako sa movie.

5. Bag

As usual, eto na naman ako, gusto ko na naman ng bag. Hindi lang basta bag. Malaking BAG ang gusto ko. Hindi ako mahilig sa girly type bag. Ayoko rin ng shiny shiny bag. More on tela ang gusto ko. 6. Philippine Literature Books

Marami akong titles na gustong bilhin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mabili bili. Pero soon, dapat makabili na ‘ko ulit.

Hopefully, may mabili ako sa mga ‘yan this December. 🙂

 
10 Comments

Posted by on December 12, 2011 in Books, MUSICgasm, Rants and Raves

 

Brotherly Talk

It’s been my dream to have an older brother. But then again, it won’t happen, kasi ako ang panganay. Pero may bunsong kapatid naman ako at lalaki sya. Well, madalas kami mag-away at mag-asaran pero at the end of the day, we still give respect sa kung sino ang matanda at kung sino ang dapat intindihin. May mga pagkakataon na nagsusuntukan kami ‘pag sobrang pikon na, but that was when we were younger. Ngayon alam na namin kung paano umakto ang magkapatid ‘pag malapit na magbangayan.

Nasabi ko nga na gusto ko magkaroon ng kuya. Bakit? Kasi pakiramdam ko may magtatanggol sa’kin kahit anong oras at kahit saan. ‘Yong kuya na maaring magbigay ng payo sa oras ng pagkatanga ko. Pero naisip ko rin na ‘yong kapatid ko ay may kakayahan na magbigay ng mga piece of advice na hindi ko naiisip at doon pa lang maswerte na ‘ko. Sabi ko na nga eh, matalino talaga ‘tong kapatid ko kahit ‘di mag-review.

Isa pa, kapag kailangan ko ng POV ng lalaki, andyan sya. Mature na rin mag-isip ang kapatid ko kahit na madalas na nagpapa-baby sa nanay ko. Madalang ang mga serious talk naming magkapatid pero naalala ko naman ‘yong mg sinasabi nya. Probably because he’s giving away his POV as a guy that I need.

 
Leave a comment

Posted by on December 5, 2011 in Rants and Raves, Uncategorized