RSS

Monthly Archives: March 2012

Alam ko It’s Rude to Stare Pero…

‘Di ko mapigilan na titigan yung lalaking nasa harapan ko pagmulat ko ng mata mula sa pagtulog ko sa bus kaninang umaga. Ang GWAPO nya. Panong GWAPO? Maputi, matangos na ilong, parang mabait ‘yong mata, matangkad, at makinis ang balat. Hula ko may dugong Intsik si Kuya Gwapo. Gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog dahil nasa Dian St. pa lang ‘yong bus kaso ang sarap nya lang tignan kaya nawala na rin ‘yong antok ko. Syempre ‘di ko naman pinapahalata na palagi kong tinitignan ‘yong gwapo nyang mukha. Nakatitig kasi sya sa labas ng bus, so ako naman sinasamantala ‘yong chance na ‘yon.

Ganito kasi ang senaryo. Sa harap na upuan ako ng bus nakaupo at madalas tulog ako sa byahe. Ang byaheng LRT Ayala (mula Coastal Road) eh laging punuan yan, so expect mo na marami rin ang nakatayo sa aisle at dun malapit sa pintuan (nakaranas na ‘ko na tumayo sa may pintuan minsan pag uwuian naman, tiis tiis). Sakto ang pwesto ng pagkakatayo ni Kuya sa kinauupuan ko. ‘Di naman kasi ako magigising agad dapat kung ‘di lang ako ginising ‘nong parang dispatcher ng bus para i-check ang ticket ko. Well, good for me na rin kasi pagmulat ng mata ko, si Kuya Gwapo ‘yong sumalubong sa’kin kaya ‘di na rin ako nainis. Sige, ikaw ba makukuha mong mainis? Hehehe. 🙂

Bumaba na ‘yong katabi ko at gusto ko sana si Kuya Gwapo ‘yong umupo sa nabakante kaso may babae rin na nakatayo, so si Ate na lang ang uupo. OK lang naman ‘yon, matititigan ko naman sya ng mabuti. Pero pagadating ng Mayapis St., eto na, ang daming bumaba so ‘yong mga malapit sa pintuan maga-adjust na papuntang gitna ng bus, at si Kuya Gwapo eh pumunta na rin sa gitna. Ayun, sinundan ko na lang sya ng tingin. Sayang pero ok na ‘yon, busog na mata ko eh. Napansin nya rin siguro na lagi ko na lang syang tinitignan kasi tinignan nya rin ako eh. Naasar kaya sya? Malamang! Rude nga ang pagtitig kasi. Pero naramdaman ko naman na mukhang ‘di sya galit.

Meron din akong laging kasabay na babae, sa Coastal rin sya nasakay. Ang byuti ni Ate ay mala-Angel Jacob. Kilala nyo si Angel Jacob? Kung hindi, p’wes eto sya. Ang buhok ni Ate ay maikli rin at sya’y sexy pa. Medyo classy sya manamit at bagay na bagay sa kanya. Lagpas limang beses ko na rin syang nakakasabay sa bus. Lagi syang nakatayo sa aisle ng bus. Paano ko nalaman? Kasi from time to time tina-try ko syang hanapin sa  loob ng bus pag ‘nakasakay na sya. Wala, gusto ko lang malaman kung san sya nakaupo.

Mukha akong stalker sa ginagawa ko. Keri lang, hindi naman ako garapal tumingin eh. Hanggang doon lang naman ang kaya ko, ang pagtingin-tingin ng pasimple kapag malayo ang mata nila.

Advertisements
 
2 Comments

Posted by on March 22, 2012 in Kwentong Byahe, Rants and Raves

 

Reading Comprehension

Sabi sa WIKIPEDIA, ang reading comprehension daw ay level ng pag-intindi sa isang teksto o sa grupo ng mga salita. Importante ‘to sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kung wala ka nito, olats ka!

Reading comprehension: kailangan mo ‘to sa pagsagot sa exam, pagsunod sa mga instructions para magawa mo ng mabuti ang trabaho mo at para maging maalam ka na rin sa mga sangay ng gobyerno. Importante ito para maayos ‘yong pakikipag-usap/pakikitungo mo sa iba.

Sa bawat salita, pangungusap o talata na nababasa mo, kailangan may pang-intindi ka, hindi basta binabasa na lang. Pano pala kung ‘yong binasa mo eh pwede kang ipakulong? E di wala ka ng laban.

Ganito, kung hindi mo naintindihin ang binasa mo, maano bang magtanong ka sa ibang tao o kaya mag-research ka. ‘Wag ‘yong bibira ka ng mga tanong or komento na hindi maganda sa pandinig o paningin ng ibang tao tungkol sa nabasa mo. Intindihin ng mabuti ang teksto, humingi ka ng paglilinaw sa ibang tao kung sakaling nalabuan ka. May pagkakataon kasi na pag ‘di naintindihan, eh ang mga komento ay mali mali na na nagle-lead sa mga ‘di magandang pahiwatig sa ibang tao. O ang masaklap pa, pwede kang mapaaway o may taong mainis sayo.

At sa bandang huli, ‘pag nilinaw na sa’yo o ikaw mismo ay naintindihan mo na, saka mo sasabihing, “MALI LANG NG BASA.”

Punyetang RASON ‘yan!

 
Leave a comment

Posted by on March 15, 2012 in Rants and Raves

 

Karl Roy: Rock the Heaven

13th of March will be remembered because the Pinoy Rock Icon, Karl Roy, is gone. Sad news for the rainy Tuesday morning. Naalala ko pa na si Papa ang nag-introduce sakin kay Karl Roy with his upbeat song YUGYUGAN NA. I enjoyed the song for the vibe of both rock and reggae. Tapos pangarap ko pang makapagpa-picture sa kanya kaya lang wala akong chance. Ni wala akong gig/show nya na napanood ko. Puro pakikinig lang sa mga kanta nya ‘yong ginawa ko. May tape pa kami nung dati nilang album. Sayang. Sayang talaga.

Karl Roy, salamat sa musika. Oo, na-enjoy ko ‘yong mga pinagsususulat mong mga kanta. Nasa play list pa kita palagi. Lalo na ‘yong PANAGINIP, paborito ko ‘yon. Laging kawawa nga ‘yong play at repeat button.

O sya, paalam na. Maraming Salamat, Karl Roy!

 

 

 

 
Leave a comment

Posted by on March 13, 2012 in Events, MUSICgasm, Rants and Raves

 

Tags: , , , , ,

Soon-to-Be Mix Tape

Just last night, I decided to list down some of the songs na alam kong ang tema ay HEARTACHE. Yes, mga kaibigan, mga bigong kanta. Marami na rin akong naisip pero syempre ‘di ko pa sya nalagay sa isang play list online or nai-burn man lang sa CD. Dalawa sa mga naisip kong isali sa soon-to-be-mix-tape ko eh yung It’s Too Late ni Carole King at Angels or Devils ng Dishwalla.

Sa totoo lang, ang unang plano ko eh gumawa ng mix tape na puro masaya. Mix tape na puro nagsasabi kung gaano mo ka-crush or ka-gusto ang isang lalaki o babae. Pero ‘yan ay naisip ko lang nung mga panahon na parang cloud 9 ang pakiramdam ko. Lumipas ang mga buwan at viola! Bigla akong bumagsak mula sa cloud 9.

Months ago, I thought I just found my match. Hehe. Ang arte ko lang. Pero mukhang malabo pala at recently ko lang medyo na-realize. My gahd! Sya kasi, pinapasaya nya ‘ko sa mga simpleng bagay lang, mahirap ipaliwanag. Tipong ‘yong isang oras na tawagan eh magiging okay na lahat para sa araw na ‘yon. O kaya ‘pag naging beki sya ng walang effort, matatawa na lang talaga ‘ko. Pero ‘wag ka, sya rin ang dahilan ng paggana ng aking tear duct. Kasi naman, hindi ako palaiyak lalo na sa mga crushes or sa mga lalaki. Ngayon lang at bongga ‘yong function ng tear duct ko for the past few weeks. Medyo natuwa ako kasi tao pala ‘ko, kaya ko palang umiyak tulad ng ibang tao. Oh well.

Bakit ba kasi naisipan ko bigla gumawa ng listahan ng mga ganyang kanta?

Pakiramdam ko kasi lahat ng mga ‘yon pinaparinggan ako eh. Sige, I will indulge you. Ang emo ng post na ‘to. Pero may isang sinulat pa ‘ko na mas malala, kaso mo ‘di ako matapang para i-post ‘yon at ipaalam sa mundo na talunan pa rin ako.

Mix Tape, kasalanan mo ‘to. Nag-travel tuloy ako bigla pabalik.

 
1 Comment

Posted by on March 9, 2012 in MUSICgasm, Rants and Raves

 

First Photo Op with Sir Ramon Bautista

Syet. Isa sa mga hindi ko malilimutang pagpapa-picture sa mga celebrities eh yung kay Sir Ramon Bautista. Hindi ako sure kung kelan ko sya naging crush. Ang lakas ng humor eh! Sino ba ayaw sa lalaking malakas ang sense of humor? Una ko syang nakita ng personal noong nakaraang Cinemalaya 2011. Medyo napasigaw pa ‘ko nung nakita ko sya kaya dali dali kong hinablot si Anna (kaibigan ko) at sinabi ko na, “Anna, picture-an mo kami ni Ramon Bautista.”

Cinemalaya 2011 w/ Sir Ramon Bautista

My gahd! ‘Yon na ata ang pinaka-highlight ng pag-attend (syempre kapantay ‘yong kay Mylene Dizon picture ko) ng Cinemalaya every year. Medyo makulit si Sir Ramon Bautista sa pagpayag na makapagpa-picture sa kanya. Matatawa ka talaga. Aliw na aliw lang!

Film Professor sya sa UP Diliman. Ang cool diba? Sabi sa mga kwento-kwento sa internet, seryoso ‘yang si Sir RB pagdating sa classroom. Syet. Naiinggit ako sa mga naging etudyante nya. Siguro kahit mahigpit sya, keri lang. Syempre, paminsan pa eh pinapanood ko ‘yong May Tamang Balita sa GMA News TV. Pero dahil sa hindi ko naman sya nakikita everyday, stalking sa internet na lang ang ginagawa ko. Nandyan ang Twitter, Tumblr at Formspring na mega sa kaaliwan ang mga sagot nya!

Ang Formspring account nya ang pinaka-nakakaaliw sa lahat. Virtual kwentuhan at tanungan ng mga advices sa mga (walang kwentang) problema ng mga tao sa internet. Aliw ang mga sagot. Promise!

Sana makita ko ulit sa Sir Ramon this Cinemalaya 2012. Pa-picture ulit. Hahaha. 🙂 Kilig moment na naman.