RSS

Monthly Archives: April 2013

Films for April

And now, here they are:

1. Hotel Transylvania by Genndy Tartakovsky. 2012.

2. Oldboy by Chan-wook Park. 2003.

3. The Reunion by Frasco Mortiz. 2012.

4. Magic Mike by Steven Soderbergh. 2012.

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on April 30, 2013 in Movies & Television

 

Tags: , , ,

Uno

It’s not bad if you just go out alone. I mean, we have those times na tayo lang mag-isa ‘yong lalabas at magpupunta sa kung saan natin gusto. It’s not bad at all. I have been going out on solo, within the metro nga lang as of now. In my opinion, it’s not difficult to go out on your own. Just be comfortable with it and ika nga nila, nasa perspective lang ng tao ‘yan.

Masaya rin naman na umaalis ka ng mag-isa. Iba ‘yong feeling na ikaw lang pupunta sa ganito, sa ganyan. Iba rin kapag kasama mo ‘yong mga friends or family members. You get a peace of mind somehow when you’re alone. You would be able to see things na hindi mo napapansin when you’re with someone. Or kung minsan, you can reflect, depende siguro sa lugar na pupuntahan mo. Somehow, it’s liberating and kind of new thing all over again. You get the chance to observe the world on your own.

So far, these are the things I’ve done:

Eat Out. This is the most frequent activity on the list when I go out alone. Coffee shop o kaya fast food. I make sure na wala masyadong tao. Tamang timing lang. I just observe people lalo na ‘yong mga grupo or duo lang. Pinakamatagal na ata ‘yong 4 hours na stay ko isang coffee shop. Ang aga-aga ko dun, sakto na wala pang gaanong tao. I just read a book about killers and had 2 cups of coffee.

Free Reading. I do this kapag tight ang budget at gusto ko bumili ng libro. Tatambay sa bookstore na allowed ang pagbabasa ng libro sa loob. Maximum na siguro ang 2 hours for reading and browsing.

Watch Out. Okay, watching a movie on big screen alone? Yes! I’ve done this twice pa lang. Masaya kaya. Sa’yo lang ‘yong pop corn, walang kahati. 😀 Tsaka feeling ko mas maiintindihan mo ‘yong film.

City Trekking. Minsan, I feel like walking around the metro. Wala lang, gusto ko lang mag-ikot ikot. Quiapo, Luneta, Carriedo; mga lugar na siguro naiikot ko paminsan kapag tinamaan ng kasipagan.

Round Trip. Ride a bus. Pay for your fare. Get off the bus when it reached the last destination. Buy something from the nearest store or whatever within the place. Then ride a bus again back to your place. Bumili lang ako ng buko pie nyan.

 

And there’s one thing left that I would love to try in the nearest future…

 

Traveling Solo.

 

Kailangan ko pang mag-ipon ng lakas ng loob.

 

 
10 Comments

Posted by on April 30, 2013 in Rants and Raves

 

Tags: , , ,

People’s Faith

Dahil libre naman ako ng weekend (Sunday), sinamahan ko na rin ‘yong nanay ko na mag-grocery, magsimba, bumili ng Sto. Nino at ipa-bless ito. Pumwesto kami sa gilid, medyo sa labasan na ng simbahan na malapit sa altar. Sa pwestong ‘yon, nakasama rin namin ‘yong mga taong may mga dala-dalang imahe na nagpapatunay na Katoliko sila. Ipapa-bless rin nila ang mga ‘yon pagkatapos ng misa.

‘Yong isa, may dalang Sto. Nino na malaki tapos may tatlong maliliit pa. Gusto ko sanang itanong kung hindi pa ba sapat na isa lang bilhin nya. May mag-asawa naman na may dalang maliit na imahe ni Mama Mary at isang krus. May isang ale rin na may hawak na Sto. Nino. Karamihan eh puro Sto. Nino ang dala-dala. Gusto kong hulaan na bago ang mga bahay nila o kaya bagong lipat sila sa nirerentahan nila o di kaya ipangre-regalo (?). Pero hindi ko rin matanggap na may posibilidad na idadagdag nila ito sa koleksyon nila. Alam ko kasi may mga Katolikong nangongolekta ng mga ganyan. Parang ‘yong nanay ko gusto pa bumili ng life-size na Mama Mary. Medyo hindi ako sang-ayon dun. Parang idolatry na ang kinalalabasan. Pero sabagay, eto ‘yong “faith” nya eh. Sa ganitong bagay sya naniniwala. Hindi ko sya kokontrahin o kukwestyunin dahil ayoko rin na may gaganyan sa ‘kin. Sa susunod siguro, baka regaluhan ko sya. Hindi ako sigurado.

‘Yong mga taong nakatabi ko sa misa habang naghihintay na ipa-bless ang mga imahe, eh mga taong malakas ang pananampalataya. Tingin ko, ‘yong mga imaheng ‘yon ang nagbibigay sa kanila ng lakas para makita ‘yong mga bagay na hindi nila makita. Ang tao kasi, kailangan bigyan mo ng konkretong bagay para may paniwalaan. Ang mga imahe ang nagpapatibay sa paniniwala nila na ang lahat ay may posibilidad o kaya lahat ng bagay may rason. Mahirap nga naman na maniwala sa bagay na hindi mo nakikita. May mga tao kasi na kailangan may makita muna o kaya may panghawakan. Ito ay palagay ko lang ha.

Sa totoo lang, ayokong nagbibigay ng ano mang comment or opinion pagdating sa religious belief. Masyadong sagrado ito para pag-usapan. Pwede bang akin na lang ‘yong paniniwala ko. Baka kasi mag-away pa tayo. This is the first time na may say ako sa ganitong bagay. First time sa blog. Sa personal naman kasi, natatanong ako pero madalang na madalang. Hindi ito staple sa everyday conversation.

At oo nga pala, may mga balita kasi nung last two weeks na kumokonti na raw ang mga nagsisimba. Ayon ‘yan sa survey at narinig kong binalita sa isang AM radio show. Isa rin pala ako sa mga taong madadalang na dumalaw sa tahanan ng Diyos. Sabi, ‘yong mga ibang tao raw kasi ay nagbabalak nang magpalit ng relihiyon at ang iba naman eh, tamad na lang din talaga. Tingin ko, mali ang survey na ‘yon. Puno kaya ng tao ‘yong simbahan nung Linggo. Pati mga maliliit na bata isinama pa nila sa kanilang pagsisimba. Ngayon, sino ang magsasabi na nawawalan na ng gana ang tao sa pagsisimba?

 

 
2 Comments

Posted by on April 22, 2013 in Rants and Raves

 

Tags: , , , , , ,

Manila: Queen of the Pacific

The old Manila in 1938, before the devastating World War 2.

 

 

Thanks for the restoration of this video. Watch the beauty of old Manila.

 
Leave a comment

Posted by on April 10, 2013 in Movies & Television

 

Tags: , , , ,