RSS

Monthly Archives: January 2014

Aminan Blues

Dahil sa comment ni Irish (There was a time na (medyo) hindi ako torpe.) sa Torpe post kaya napa-blog ulit ako. I just realized that I’m not Torpe at all. I had a fare share of admitting and showing what I feel for the people that I really like. Iba naman kasi ‘pag sa friends, pwede kang maging pranka kahit anong oras or you won’t be too shy to tell things na nakakahiya o nakakatawa.

Admitting/showing your feelings to someone is really difficult. Lalo na sa girls. Girls (lalo na dito sa’tin) won’t do the first move. Babae daw kasi at ang mga lalaki ang dapat mauna na umamin at gumawa ng paraan para malapit dun sa babaeng gusto nila. Naalala n’yo ‘yong kanta ng Parokya ni Edgar na Pangarap Lang Kita? Nairita ako dun sa totoo lang. Conservative daw ang babae kaya hindi pwedeng umamin. Ay syet lang. Hindi pwede sa’kin ‘yon. Paano pala kung gusto s’ya ng lalaki tapos torpe then si babae conservative? Ano na lang mangyayari dun sa potential na love story nila. Baka hanggang sa hukay nila eh hindi sila magkaaminan. Ang point ko lang naman kasi eh huwag nang mahiyang sabihin na gusto nyo ‘yong tao. Baka kasi naghihintayan lang kayo. Kung hindi naman reciprocated, ok lang naman, at least nasabi mo. Kasi ang problema ‘pag di mo sinabi eh merong WHAT IF which is a very frustrating. Ayaw nyo naman siguro ng ganun, hindi ba?

Ngayon, naaalala ko ‘yong mga aminan blues ko sa mga taong nagustuhan (gusto pa rin) ko for the past 9 years. At oo, binilang ko talaga kung ilang taon para maalala ko rin kung kailan nagsimula ‘yong ganitong ugali ko. Malakas siguro talaga ang loob ko na umamin kasi ‘yon lang ang paraan ko para malaman kung may pag-asa ba ‘ko o wala. Tsaka gumagaan ‘yong pakiramdam ko eh.

 
crush title=

1. An instructor for non-academic subject. Well, sino ba ang hindi nagka-crush sa mga teachers nila? ‘Pag sinabi mo na hindi malamang nagsisinungaling ka. Hindi ako sure kung mababasa n’ya ang blog post na ‘to. Hindi rin naman ako natatakot kung sakaling mahalungkat nya ‘to. Naging crush ko ‘yong instructor ko CWTS kasi hawig n’ya ng konti si Champ Lui Pio ng Hale na ngayon eh disbanded na. Basta ang cute. Di ko na maalala kung kailan kami naging close basta nagkapalitan na rin kami ng cellphone number noon. Tapos naalala ko niregaluhan n’ya ‘ko ng CD ng mga kanta ng Join the Club (friend nya daw ‘yong frontman). Dahil nga super naging crush ko s’ya, nakagawa ako ng short story na pinabasa ko naman sa kanya sa mismong araw ng graduation ng CWTS. Nag-comment s’ya kaso di ko na maalala, tumatak lang sa’kin na tinatawag n’ya ko minsan sa name ng bidang babae dun sa short story. Nalungkot ako syempre kasi ‘di ko na sya makikita ulit. Kaya ang ginawa ko ‘nong bakasyon eh nagtext ako sa kanya. Sa text ko lang sinabi. Hahahaha! Ang alam kong reply nya eh Thank You at natutuwa s’ya na ang lakas daw ng loob ko para umamin kasi wala daw sya nun. Magkahalong negative at positive feedback ito para sa’kin. Alam ko lang na hindi pwede or in short, unrequited. But after that confession, naging friends kami. Minsanang meet up (busy ang schedule nya at ako naman estudyante) at hi hello sa chat. Magkaibigan pa rin kami until now. 🙂

2. I skipped my class because of this guy. Yes, nagawa ko na hindi um-attend ng class ko dahil sa kanya. May sakit naman kasi s’ya nun. Mag-isa lang sa dorm kaya nag-stay ako ng buong araw dun at nagdala ng pagkain. In short, nag-alaga ako ng may sakit. I didn’t mind at all kasi nga bukod sa gusto ko s’ya eh friends kami. Sobrang kulit nito at s’ya ata ang pinaka-bully-ng lalaki na kilala ko. Napaiyak n’ya ko before sa sobrang pang-aalaska nya sa’kin. Kahit madalas na moody ‘to eh napakisamahan ko naman s’ya ng maayos. He’s smart and sweet kaya lang lakas mang-asar. If I can still remember right, s’ya ang unang lalaking niyakap ko ng matagal. Hindi ko lang maalala kung ano ‘yong saktong sinabi ko nung nag-confess ako. Teka, maraming beses ko na rin palang sinabi na crush ko sya and I think okay lang sa kanya. Hindi ko rin pala maalala kung na-reciprocate ‘to. I think I need to ask him again about this. Hahahaha! Ang nakakatuwa dito, we’re still friends! 😀

3. I used to date a guy who is 10 years my senior. He’s an Operation Manager and we have the same taste in music. Ang benta ng mga jokes n’ya sa’kin at lagi akong natatawa sa mga hirit n’ya. Matalino rin at ang daming kwento. Palibhasa 10 years ang gap namin kaya ang daming kwento from his different circle of friends plus mga libreng payo mula sa matanda. Hahahaha! The guy is an authoritative type and eloquent enough to say yes. Tipong, oo nga, naniniwala ako sa’yo or yes gagawin ko ‘yan. Something like that. After two weeks of going out, inamin ko na rin na crush ko s’ya. He said he liked me too. But then again, though I received a positive reply, it wasn’t meant to last. Hanggang like lang talaga. It’s okay, at least alam ko ‘yong sagot.

4. Perfect to be my travel buddy. This one,  naku, super gala. Mahilig sa mga impromptu na lakaran. Sabi n’ya kaladkarin daw s’yang lalaki which is totoo. When I went to Baguio, andun din sya kahit may problema syang inaasikaso. Hindi ako sigurado kung bakit gusto ko s’ya basta alam ko lang tinubuan ako ng crush na nag-level up sa gusto/like. Di naman siguro required na alamin ‘yong dahilan diba? Minsan ang tawag ko sa kanya ay Crush at natatawa naman sya. Reciprocated? Hindi ko alam ang sagot. Singlabo kasi sya minsan ng tubig kanal. At sya na ata ang pinaka-seksing lalaking nakilala ko. Hahahaha! Basta ganun.

Isa lang naman ang napansin ko sa case ko, lahat ‘yan hindi napunta sa level na gusto ko. Parang nasa friend zone ako na wala. Hindi ko man naiintindihan kung bakit hindi pumabor sa’kin ‘yong mga ginawa ko, at least I tried. At ‘yon ang mas importante sa’kin.

Bottom line:

Mag-take naman tayo ng risk kahit paano. Walang masama dun. Malay mo, pumanig ang mundo sa’yo. 🙂

Advertisements
 
60 Comments

Posted by on January 21, 2014 in Rants and Raves

 

Tags: , ,

Pico de Loro: Hiking to Base Camp 1

Last December, there was an invite to climb Pico de Loro in Cavite. Well, the original plan was overnight (Saturday afternoon to Sunday morning) at Pico de Loro plus Meteor Shower Watching. But my friend, Des, had a late notice for an event related to her Japanese class. Then we just decided to do a day hike on Sunday but then again, something came up. Sunday is usually family day or church day for some so the day hike became an hour or so to base camp 1 of Pico. We didn’t mind cause we can still go there any time we want. Believe me, I was too excited when I hit the Join button to the Facebook event that Des created. If ever kasi, that would be my first (virgin) climb! Hahaha!

Nga lang, bitin. Of course, the aim is to reach the summit. We can do it some other time. We met some hikers/mountaineers going down from the summit. Probably they did watch the meteor shower the other night. I envied them somehow. Ganun pala ‘yong sa mga hikers/mountaineers, they greet each other and it goes like this: “Good (time of the day), Ma’am/Sir” plus they would usually say Ingat with a smile. How sweet, right? I like that.

 

This slideshow requires JavaScript.

Photos courtesy of Abel.

 

The total number of participants who joined in Facebook event was 10 but for some reason, hindi na tumuloy ‘yong iba. Sayang. Anyway, Des, Buboy, Abel and I decided to push through. Masaya kaya. 🙂

 

This slideshow requires JavaScript.

Photos courtesy of Des.

 

I don’t know kung ilang beses na umakyat si Des sa Pico. I think this is her favorite. She’s inviting us every now and then to go with her. In 2012 (if my memory serves me right), she invited some of our friends from the office to climb Pico. Puro girls! Hahaha. Wala ako dyan. When the girls came back on Monday (except from Des), they said na hindi na nila uulitin pa ‘yon. Sumakit daw ang katawan nila. I need to find out if that’s true. Hiking hanggang base camp 1 lang nagawa ko eh. Some of my friends who already climbed Pico said that it’s not for beginners but of course, I still want to go. 🙂 Now, read more about Pico de Loro if you’re interested.

I’ll see you again, Pico and will reach your summit. Hehe. 😀

 

 
Leave a comment

Posted by on January 21, 2014 in Travel

 

Tags: , , ,

Torpe nga kasi ako

Hindi naman talaga dapat ito ang unang post ko for January. Pero I have to. Bakit? Nakita ko lang naman kasi ‘yong crush ko sa pila ng bus (Coastal terminal) this morning. The first time I saw him was around October 2013. Nakasabay ko talaga sya mula pagpila, pag-antay ng bus at syempre sa mismong bus na rin. That time, we were among the passengers who stood on the bus aisle so we could be on our destination on time.I didn’t mind at all kasi katabi ko lang sya eh.

Ang tangkad ni Kuya. Tapos fair complexion at medyo long hair. Hindi lalagpas ng balikat ‘yong buhok. He was wearing a slightly loose light blue polo and slacks ata ‘yon then a dark blue cap. He’s wearing a serious face while listening to something from the earphones. Pasong Tamo was his destination that time. I tried to have an eye contact. Magpapa-cute sana or something. Hindi ko naman ginawa. I checked his fingers, trying to see if he’s already committed but I failed to see one. O baka naman hindi nya sinusuot. I assumed that the age of the man is between 30-40. By the way, he smelled good that time.

Then this morning, I saw him unexpectedly. Feeling ko kasi nung unang beses ko s’yang nakita eh one time big time lang ‘yon at hindi ko na sya makikita. Medyo nagulat pa ‘ko nung nakita ko sya and I knew na nakita nya ‘ko. He stared at me for a while. Kaso umiwas agad ako ng tingin. Nahiya ako. I cannot hold a gaze on him. Then, I looked at him again when he was looking on the opposite direction. I tried to see his fingers again but the line started to move. Polo, slacks and cap. Same kind of outfit. But I was not able to know if he still smells good. Hahaha. He’s ahead of me in the line. The line was a U-shape. Dami ng tao kahit quarter to six pa lang. 

And again, I didn’t make any move. Not even a smileNAPAKA-TORPE KO TALAGA. Nakakainis. I should’ve smiled. That’s the least I can do if I cannot hold a gaze on him. Pero wala. Lagi ko pa naman sinasabi na matapang ako pagdating sa ganito. Pero napatunayan ko na hindi sa lahat eh kaya kong maging straightforward. 

At isa pang patunay na nagiging torpe din ako. Basahin ang sumusunod na usapan. 

Let A: Ako

GEO1: Girl ex-officemate 1

GO2: Girl officemate 2

Nag-umpisa ‘yan sa picture tinag sa’kin ni GO2 sa Facebook. 

NV:

GEO1: Dapat babatiin ko rin sya ng Happy New Year kasi nagrereply sya. Kaso di ko sinend ‘yong message ko. Happy New Year! I love you. HAHAHAA

GO2: Wag ka ng maging #torpe. 2014 na.

A: Nahihiya akong batiin si Atom. Baka i-reject ako. Hahahahaha! (‘yan talaga ang sinabi ko at kita naman na torpe ako)

GEO1: Gusto ko gawin ‘yong sinabi ni GO2 pero tama si A. Hahahaha.

GO2: Kung usapang kanto ‘to, nasabihan ko na kayong SUPOT. LOL.

-END-

At may usapan pa sa Twitter about naman dun sa response ni Atom Araullo na I LOVE YOU TOO dun sa nag-comment ng ‘Atom, pls. reply with I Love you too. Thanks‘. O diba, ang sweet lang ni Atom. Hindi ko kayang gawin ‘yon ha. Pero diba dapat malakas na loob ko kasi online naman ‘yon eh. Hindi naman ako tuluyang makikita ni Atom kung sakaling magsabi rin ako ng I Love You. Crush ko sya eh. 🙂

Ngayon, hindi ko gets kung anong problema ko at kahit smile hindi ko magawa dun sa crush ko. Tsk.

 
18 Comments

Posted by on January 9, 2014 in Kwentong Byahe, Rants and Raves

 

Tags: , , , ,