I miss you, blog! Na-miss ko rin ‘yong mga nagti-tiyagang magbasa ng blog na ‘to. I have been so busy with work, some hanging out thingy, and movies! Sa sobrang pagka-busy ko, nalimutan ko rin mag-update ng monthly movie list ko. Hamo, kumpleto na ‘yan pagkatapos ng November.
Recently, napanood ko ‘yong That Thing Called Tadhana, isa sa mga entries ng Cinema One Originals 2014. Ten days na ‘kong hindi nakaka-move on sa movie. Kung napanood mo na ‘yong Before Sunrise/Sunset/Midnight ni Richard Linklater, ganoon ang istilo ng pelikula.
Sa sobrang nagandahan ako sa pelikula, dalawang beses ko s’ya pinanood. Kung may commercial run ito (sabi meron daw soon), maglulustay ulit ako ng pera. Minsan lang ako maging ganito. Hahaha!
Marami rin akong first time na na-experience sa film na ‘to.
Nagpalit ako ng profile picture sa Facebook. Ginamit ko ulit ‘yong litrato ko sa BenCab museum sa Baguio bilang isa ‘yan sa mga settings ng pelikula. Pinalitan ko rin ‘yong cover photo para kumpleto na at ginamit ko ‘yong pamosong opening line ng Tadhana.
At etong dalawang status na ‘to ang patunay na tinamaan ako ng husto sa Tadhana:
Isa lang naman ‘yan sa mga pinagka-abalahan ko noong mga nakaraang linggo. π
Tungkol nga pala sa commercial run ng Tadhana, panoorin ‘nyo ‘to kung may free time kayo. Maki-usyoso sa kanilang Facebook pageΒ para sa mga update. Better yet, update ‘yo selves with Cinema One Originals 2014, baka kasi may mga commericial run ‘yong mga ibang entries.
Suporta lokal! π
Jumping Jolens
November 28, 2014 at 3:33 am
Waaaaah gan’on kaganda? Nakakasar bakit wala ako d’yan! Huhuhu malamang wala ring torrent ‘yan. At kung meron man, nakaka-guilty kasi pipiratahin ko (nagi-guilty talaga ako ‘te, haha). Sana sobrang pumatok at magkaroon ng screening abroad. Gusto kong mapanood! π¦
thinksayfeel
November 28, 2014 at 3:38 am
Yes, ganun ka-ganda. Tangina, pinaiyak nito. Nakaka-asar! May nationwide screening sa 2015. Star Cinema ang mag di-distribute, kaya sana pati sa abroad mapunta ‘to just like their other movies (Piolo/Toni movie).
Naku, kung andito ka lang, pinilit talaga kitang panoorin ‘to. Ilang tao na ang sinabihan ko na manood sila at di naman sila natalo sa rekomendasyon ko.
Jumping Jolens
November 28, 2014 at 3:44 am
Shet, sana nga dalhin nila rito! Title pa lang parang alam ko nang matutuwa nga ako! π
thinksayfeel
November 28, 2014 at 3:48 am
Hahaha! Matutuwa ka talaga dito. Promise! π Tapos si JM! Nakakainis kasi ang charming nya.
Doctor Eamer
November 29, 2014 at 2:28 am
Macheck nga yan! π
thinksayfeel
November 29, 2014 at 2:31 am
2015 ang nationwide screening. π
Doctor Eamer
November 29, 2014 at 2:33 am
Ay matagal pa pala?haha SM Calamba or SM San Pablo malapit dito eh.hehe Sana meron na by January 2015 π
thinksayfeel
November 29, 2014 at 2:36 am
Kasi limited time lang ang screening nitong November dahil sa part sya ng film festival. Eh sobrang pumatok, kaya ang daming nag-request na magkaroon ng nationwide screening. Wish granted naman kaya lang wala pang final details.
Doctor Eamer
November 29, 2014 at 2:44 am
Wow! so tadhana ko pa lang mapanuod talaga yung movie.. soon π
thinksayfeel
November 29, 2014 at 2:51 am
At tadhana ko ring ulitin ang panonood. Hahaha!
Doctor Eamer
November 29, 2014 at 2:58 am
Di na yun tadhana ah! Paglulustay na yun ng pera.lol! π Pero mayaman ka naman kaya ok lang naman.lol! π basta balitaan mu na lang ako pag showing na!hehe Thanks sa info and advance happy bday! (according to your “about me”).hehe
thinksayfeel
November 29, 2014 at 3:03 am
Hahahaha. Sapat na kaperahan lang. Para sa ganitong pelikula, willing akong gumastos. π Like mo na ‘yong FB page nila. Kwela ang update nila.
Ay, salamat! π Masyado pang malayo ‘yon, pero salamat.