RSS

Category Archives: Kwentong Byahe

Torpe nga kasi ako

Hindi naman talaga dapat ito ang unang post ko for January. Pero I have to. Bakit? Nakita ko lang naman kasi ‘yong crush ko sa pila ng bus (Coastal terminal) this morning. The first time I saw him was around October 2013. Nakasabay ko talaga sya mula pagpila, pag-antay ng bus at syempre sa mismong bus na rin. That time, we were among the passengers who stood on the bus aisle so we could be on our destination on time.I didn’t mind at all kasi katabi ko lang sya eh.

Ang tangkad ni Kuya. Tapos fair complexion at medyo long hair. Hindi lalagpas ng balikat ‘yong buhok. He was wearing a slightly loose light blue polo and slacks ata ‘yon then a dark blue cap. He’s wearing a serious face while listening to something from the earphones. Pasong Tamo was his destination that time. I tried to have an eye contact. Magpapa-cute sana or something. Hindi ko naman ginawa. I checked his fingers, trying to see if he’s already committed but I failed to see one. O baka naman hindi nya sinusuot. I assumed that the age of the man is between 30-40. By the way, he smelled good that time.

Then this morning, I saw him unexpectedly. Feeling ko kasi nung unang beses ko s’yang nakita eh one time big time lang ‘yon at hindi ko na sya makikita. Medyo nagulat pa ‘ko nung nakita ko sya and I knew na nakita nya ‘ko. He stared at me for a while. Kaso umiwas agad ako ng tingin. Nahiya ako. I cannot hold a gaze on him. Then, I looked at him again when he was looking on the opposite direction. I tried to see his fingers again but the line started to move. Polo, slacks and cap. Same kind of outfit. But I was not able to know if he still smells good. Hahaha. He’s ahead of me in the line. The line was a U-shape. Dami ng tao kahit quarter to six pa lang. 

And again, I didn’t make any move. Not even a smileNAPAKA-TORPE KO TALAGA. Nakakainis. I should’ve smiled. That’s the least I can do if I cannot hold a gaze on him. Pero wala. Lagi ko pa naman sinasabi na matapang ako pagdating sa ganito. Pero napatunayan ko na hindi sa lahat eh kaya kong maging straightforward. 

At isa pang patunay na nagiging torpe din ako. Basahin ang sumusunod na usapan. 

Let A: Ako

GEO1: Girl ex-officemate 1

GO2: Girl officemate 2

Nag-umpisa ‘yan sa picture tinag sa’kin ni GO2 sa Facebook. 

NV:

GEO1: Dapat babatiin ko rin sya ng Happy New Year kasi nagrereply sya. Kaso di ko sinend ‘yong message ko. Happy New Year! I love you. HAHAHAA

GO2: Wag ka ng maging #torpe. 2014 na.

A: Nahihiya akong batiin si Atom. Baka i-reject ako. Hahahahaha! (‘yan talaga ang sinabi ko at kita naman na torpe ako)

GEO1: Gusto ko gawin ‘yong sinabi ni GO2 pero tama si A. Hahahaha.

GO2: Kung usapang kanto ‘to, nasabihan ko na kayong SUPOT. LOL.

-END-

At may usapan pa sa Twitter about naman dun sa response ni Atom Araullo na I LOVE YOU TOO dun sa nag-comment ng ‘Atom, pls. reply with I Love you too. Thanks‘. O diba, ang sweet lang ni Atom. Hindi ko kayang gawin ‘yon ha. Pero diba dapat malakas na loob ko kasi online naman ‘yon eh. Hindi naman ako tuluyang makikita ni Atom kung sakaling magsabi rin ako ng I Love You. Crush ko sya eh. 🙂

Ngayon, hindi ko gets kung anong problema ko at kahit smile hindi ko magawa dun sa crush ko. Tsk.

 
18 Comments

Posted by on January 9, 2014 in Kwentong Byahe, Rants and Raves

 

Tags: , , , ,

It Was Friday Night

12 A.M. – Hindi naman saktong alas-dose ng hatinggabi ‘yan. Lagpas pa. Dahil sa sobrang trapik sanhi ng ulan, napilitan akong maglakad. Hindi lang simpleng lakad. Bumaba ako ng taxi dahil WALANG PAG-ASA NA MAPABILIS ANG BIYAHE KO. Pumatak ang metro ng 150 pesos. Sa halagang ‘yan, andun na ‘ko sa malapit sa’min. Hindi na kasi gumagalaw ‘yong mga sasakyan. Halo-halo na. Private vehicles, bus, taxi, truck. Sa ganitong oras, ang dami pa ring tao sa kalsada. Akala mo umaga. Nadaanan ko ‘yong mga bus na pa-Cavite, pa-MIA, at pa-Baclaran. Puno pa rin. Ang dami pa ring nakatayo. Alas-3 na siguro ng umaga ako makakauwi kung hindi pa ‘ko naglakad. Mula Macapagal Ave. (malapit sa Blue Wave) ‘yong umpisa ng nilakad ko hanggang sa Tambo. Sa Ayala at EDSA pa lang, may aberya na dahil sa trapik. Ito ang panahon na nagagalit talaga ‘ko sa ulan. Nung una ako lang ‘yong naglalakad. Hindi naman ako natatakot. This was the second time that I walked alone at 12 A.M. Tapos after 20 minutes, may nakita ‘kong naglalakad din, inunahan nga ako. Then after 10 minutes, naisip ko na tawagin ‘yong lalaking inunahan ako sa paglalakad para sana makiusap kung pwedeng sumabay ako sa kanya. Ewan ko kung bakit hindi ako nakaramdam ng takot. Malay ko ba kung snatcher ‘yon o kaya rapist. Hindi ko nga rin nakita ang itsura nya. Basta nagkaroon ako ng urge to ask him kaso umurong ‘yong dila. Tsaka isa pa, kahit mabilis akong maglakad, eh mas mabilis pa rin sya. Ang layo ng gap namin eh. Ilang beses ako nakipag-debate sa utak ko kung tatawagin ko ba s’ya o hindi. Pero parang nakuntento na lang akong tignan s’yang naglalakad.

6:15 P.M. – Nasa Greenbelt 3 Cinema ako at ‘yong dalawang kaibigan ko. Hindi kami nakaabot dun sa 6:30 P.M. screening ng isang French film (Rust and Bone) na gusto naming (kong) panoorin. Free admission ang pelikula at bida si Marion Cotillard. Sayang. Ayoko namang pumila sa 9 P.M. screening dahil may ibang agenda pa ‘ko sa gabing ‘yon.

7:00 P.M. – Gumala na lang tuloy kami sa POWERBOOKS. Dahil na-frustrate (siguro) ako kaya napabili ako ng libro. Medyo lagpas sa quota ko ‘yong inilibas kong pera para pambayad dun sa dalawang libro na gusto ko. Pero nakakatuwa kasi hindi na rin ako nag-hesitate na gumastos para dun. Bago ‘yon ah.

7:30 P.M. – Dahil hindi naman kami malaki gumastos ng mga kaibigan ko, napili naming kumain sa McDo. Tapos nag-kwentuhan na lang dun. Kung anu-ano. Halo-halo. Tapos may nakita pa ‘kong picture na pang-Throwback Thursday dun sa kaibigan ko. Ang cute nya! Tapos pala, walang lasa ‘yong Sprite namin. Naging tubig na lang ang lasa. Tsaka sabi pala ni Jane, ang unang impression n’ya sa’kin eh mukhang mabait. Pero hindi naman daw pala. Hahahaha!

9 something P.M. – Heto na. Ito ang oras ng agenda para sa gabing ‘yon. Naglagay ng konting alkohol sa tiyan. Isang Tanduay Ice lang ang sa’kin. Pati kay Khar. Kaso isang bote nga lang pero agad namang bumigat ang ulo ko. Bakit ba kasi hindi ako nagtatanda? Alam ko naman na ganun ang epekto ng deceiving na Tanduay Ice pero ‘yon pa rin ang pinili ko. Ang sarap kasi sa dila eh. Basta okay sa panlasa ko. Dapat pala juice or iced tea na lang in-order ko. Hindi ko tuloy natupad ‘yong pangako ko kay Khar na ako ang uubos nung kalahating laman ng bote n’ya. Ang bigat ng ulo ko. Gusto ko na matulog dun sa pwesto ko. Tapos parang nagzo-zone out ako. Ang sungit ko raw na lasing (lasing na ba ‘ko nun?) sabi ni Baldo. Ilang beses na rin akong natanong kung okay ako. Okay naman ako. Klaro pa isip ko eh.

11:11 P.M. – Nagpaalam na ‘ko. Hindi ko na kaya. Hinatid naman ako nung tatlong kaibigan kong lalaki. Ang tagal ng taxi. ‘Yong iba ayaw magpasakay. Hindi pa ‘ko aware na malala pala ang sitwasyon ng trapik. Dahil sa katagalan bago ‘ko makasakay, napakwento. Ako ang nasa hot seat. Problemang utak at puso. Ito siguro ang dahilan kung bakit ako napabili ng libro. Na-anticipate ko unconsciously. Pwede kaya ‘yon? Bumalik lahat ng frustrations ko. Nagkaroon ako ng doubt. Eh ayoko ng doubt pero nilalapitan ako. Gusto kong umiyak. Pucha. Buti na lang mga nakakaintindi naman ‘yong mga kumakausap sa’kin. Salamat kay B, O at R.

1:30 A.M. – Nakauwi na ‘ko ng bahay nya. Ang bilis ko kasi maglakad eh.

2:00 A.M. – Nag-text ako sa kaibigan ko, asked her kung nakauwi na sya. Pagkareply n’ya, nag-shutdown na ‘yong mata ko.

 
2 Comments

Posted by on June 9, 2013 in Kwentong Byahe, Rants and Raves

 

Tags: , , , , ,

Akala ko Walang Bus

kanina kasi unusual na walang sasakyan dun sa bus stop sa Ayala (sa baba ng MRT AYALA Station). Unusual dahil 6pm na yun tapos wala yung mga bus. Somehow, nakakakaba ‘yon. Hindi ako sigurado kung pinatupad na ng MMDA ‘yong bago nilang traffic scheme. Something about Bus A and Bus B stop over. Walang gaanong bus na dumadaan talaga kanina kaya ‘yong mga tao naipon na sa daan. Lagpas na nga doon sa tinakdang waiting area. Syempre pumunta din ako kung nasaan ‘yong mga tao. BASTA ANG WEIRD LANG KANINA SA PARTENG ‘YAN NG EDSA. Tsk.

So, noong dumating ‘yong isang bus na pa-Alabang, ang daming tao (babae man o lalaki) na talagang tumakbo para lang mahabol ‘yong bus. Ako ‘yong natakot para sa kanila eh. Paano kung hindi sila makasakay or may masamang mangyari? Naaawa ako doon sa mga babaeng nasakay sa bus, kahit puno na, sasakay pa rin. Well, gawain ko rin naman ‘yon paminsan sa kadahilanang gusto ko nang makauwi.

At sa wakas, dumating ang kaisa-isang bus na pa-MIA. Medyo puno tapos marami rin akong kasabay na ibang pasahero. Syempre, hindi na ‘ko nag-inarte pa, sumakay na rin ako. Madalas kasi, naghihintay ako ng medyo maluwag na bus. Oo, maarte ako bus. Maluwag na bus, tipong makaksakay pa ‘ko tapos nakatayo ako sa dulong parte. Pwede pa ‘yon. Pero kanina, kahit sobrang sikip na sa bus, tumuloy pa rin ako. Sa estribo na nga lang ako nakapwesto. Ayos lang naman. May bababa rin naman sooner or later naisip ko. Sa sobrang sikip nga sa bus, naamoy ko na pati yung pawis na natuyo sa likod ko. Pati buhok ni Ate sa harapan ko, naamoy ko na rin. Pati yung lagkit ng mga braso, nakuha ko na. Tsk. Tsk.

Buti nga hindi ako naiinis eh. Siguro masyadong sanay lang ako sa ganitong eksena. Sa araw-araw ba naman na bumyahe ka, masasanay at masasanay ka rin. Enough reason to hate Manila pero kahit ano pa ‘yan, mahal ko pa rin ang lugar na ito. Karamihan nga sa mga kasabay ko eh mga babae. Kahit medyo umandar na ‘yong bus, sige pa rin sa pagsakay basta makauwi lang. Ang tapang nila ano?

Grabeng pasensya lang ang baon ko sa araw-araw na pagbyahe ko. Minsan nagtataka pa ‘ko kung bakit hindi ako naiinis sa ganyang eksena. Kulang siguro ang working days ko nang hindi nakatayo sa bus. Mapa-estribo man ‘yan o sa gitnang parte. At mabuti na lang talaga, may naririnig akong music. Siguro ‘yan ang dahilan kung bakit cool lang ako sa mga ganyang senaryo.

 
3 Comments

Posted by on September 27, 2012 in Kwentong Byahe, Rants and Raves

 

Tags: , , ,

4th of May

Note: Kung ayaw mo ng bad vibes, WAG MONG BABASAHIN ITO.

First Friday for the month of May. Hindi na talaga maayos ang umaga. As far as I know, mahaba talaga ang pasensya ko.

Himala na umulan nung Friday. Oo, himala yun dahil maraming araw na sobrang tirik ang araw at kinaiinisan mo na kahit ang maliliit na bagay dahil pati ulo mo mainit na rin. Aaminin ko, hindi ako fan ng ulan. Pag umulan, namumuo ang inis sa loob ko, lalong lalo na ‘pag nasa labas ako. Inabutan ako ng ulan sa paghihintay ng bus. RUSH HOUR pa. Tiis tiis. Makikita mo ‘yong bulto ng mga tao na nagtatrabaho sa Ayala na nag-aabang ng bus sa gitna ng ulan. Syet. Run-on sentence na ata ‘yong sinabi ko.

Ako, cool lang ako. Ayoko mainis eh. Ayokong sumabay sa ulan. Masisira ang mood ko lalo pag pinagana ko ‘yong RAIN TANTRUM ko. Hintay lang ako ng hintay sa bus na pwede pang makaupo. Maarte ako sa bus, mind you. Gusto ko ‘yong  bago.Sa sobrang dami ng tao na gusto ng maksakay sa bus at makauwi na sa mga bahay nila, tulukan na ‘yong nangyari. Walang paki kung babae ka o matanda ka. Balyahan ang dating eh. OA ang term ko, ano? Pero totoo ‘yan, Pag dumating ang 5:30 ng hapon sa Ayala, asahan mo na maraming tulukan at tapakan ng paa, pati dede ng babae masasagi na which is nangyari na rin sa’kin. Sabi sa’yo eh, hindi na pumapasok ang salitang BABAE ka. Lahat naman commuters eh. Yan ang pesteng rason.

Hindi ko maalala kung paanong napunta na ‘ko sa pintuan ng bus. Natulak na ata ako nung mga nasa likod. Todo siksikan. Kung may salamin lang sa harapan ko, sigurado kita na ‘yong mukha kong busangot na.  Natapakan na ‘yong blue kong sapatos at pumasok na ‘yung ibang tubig dahil dun. I tried my best not to shout at them. I swear. And curse like,

“Tangina, diba kayo makapaghintay?”

‘Yong utak ko panay ang mura. Rumble na. Kulang na lang tumae ‘yong utak ko ng TANGINA, SHIT, TARANTADO. Mga ganun. Pikon na pikon ako eh. But hey, nagtagumpay ako. I shut my mouth. Hinayaan ko ‘yong utak ko na mag-ingay mag-isa.

Sa wakas, nagkaroon ako ng upuan. Haggard talaga ang itsura ko. Buti aircon. Pinagpapawisan ako dun sa tulukan na nangyari eh. Na-feel ko bigla ‘yong stress na pinipilit kong itaboy. Mula umaga, ay hindi, noong mga nakaraang linggo pa ‘yon eh. Naipon na lang. Kung ano man ‘yon, I won’t discuss it here. Bad vibes na masyado ang post na ito.

O sige eto, pambawi na lang.

 

Alam ko It’s Rude to Stare Pero…

‘Di ko mapigilan na titigan yung lalaking nasa harapan ko pagmulat ko ng mata mula sa pagtulog ko sa bus kaninang umaga. Ang GWAPO nya. Panong GWAPO? Maputi, matangos na ilong, parang mabait ‘yong mata, matangkad, at makinis ang balat. Hula ko may dugong Intsik si Kuya Gwapo. Gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog dahil nasa Dian St. pa lang ‘yong bus kaso ang sarap nya lang tignan kaya nawala na rin ‘yong antok ko. Syempre ‘di ko naman pinapahalata na palagi kong tinitignan ‘yong gwapo nyang mukha. Nakatitig kasi sya sa labas ng bus, so ako naman sinasamantala ‘yong chance na ‘yon.

Ganito kasi ang senaryo. Sa harap na upuan ako ng bus nakaupo at madalas tulog ako sa byahe. Ang byaheng LRT Ayala (mula Coastal Road) eh laging punuan yan, so expect mo na marami rin ang nakatayo sa aisle at dun malapit sa pintuan (nakaranas na ‘ko na tumayo sa may pintuan minsan pag uwuian naman, tiis tiis). Sakto ang pwesto ng pagkakatayo ni Kuya sa kinauupuan ko. ‘Di naman kasi ako magigising agad dapat kung ‘di lang ako ginising ‘nong parang dispatcher ng bus para i-check ang ticket ko. Well, good for me na rin kasi pagmulat ng mata ko, si Kuya Gwapo ‘yong sumalubong sa’kin kaya ‘di na rin ako nainis. Sige, ikaw ba makukuha mong mainis? Hehehe. 🙂

Bumaba na ‘yong katabi ko at gusto ko sana si Kuya Gwapo ‘yong umupo sa nabakante kaso may babae rin na nakatayo, so si Ate na lang ang uupo. OK lang naman ‘yon, matititigan ko naman sya ng mabuti. Pero pagadating ng Mayapis St., eto na, ang daming bumaba so ‘yong mga malapit sa pintuan maga-adjust na papuntang gitna ng bus, at si Kuya Gwapo eh pumunta na rin sa gitna. Ayun, sinundan ko na lang sya ng tingin. Sayang pero ok na ‘yon, busog na mata ko eh. Napansin nya rin siguro na lagi ko na lang syang tinitignan kasi tinignan nya rin ako eh. Naasar kaya sya? Malamang! Rude nga ang pagtitig kasi. Pero naramdaman ko naman na mukhang ‘di sya galit.

Meron din akong laging kasabay na babae, sa Coastal rin sya nasakay. Ang byuti ni Ate ay mala-Angel Jacob. Kilala nyo si Angel Jacob? Kung hindi, p’wes eto sya. Ang buhok ni Ate ay maikli rin at sya’y sexy pa. Medyo classy sya manamit at bagay na bagay sa kanya. Lagpas limang beses ko na rin syang nakakasabay sa bus. Lagi syang nakatayo sa aisle ng bus. Paano ko nalaman? Kasi from time to time tina-try ko syang hanapin sa  loob ng bus pag ‘nakasakay na sya. Wala, gusto ko lang malaman kung san sya nakaupo.

Mukha akong stalker sa ginagawa ko. Keri lang, hindi naman ako garapal tumingin eh. Hanggang doon lang naman ang kaya ko, ang pagtingin-tingin ng pasimple kapag malayo ang mata nila.

 
2 Comments

Posted by on March 22, 2012 in Kwentong Byahe, Rants and Raves