RSS

Category Archives: Uncategorized

Films for August

Though there were two long weekends on August, I wasn’t able to reach my monthly quota on watching films. Busy with money slavery and addiction to sleep.

But of course, all the movies I’ve watched were all good for my taste. So, let’s begin.

1. J.S.A.: Joint Security Area by Chan-wook Park. 2000.

J.S.A.: Joint Security Area

2. Nameless Gangster: Rules of the Time by Jong-bin Yun. 2012.

Nameless Gangster: Rules of the Time

3. Thirst by Chan-wook Park. 2009.

Thirst

4. Mariquina by Milo Sogueco. 2014.

Mariquina

5. Dagitab by Giancarlo Abrahan. 2014.

Dagitab (Sparks)

6. Sundalong Kanin by Janice O’Hara. 2014.

Sundalong kanin

7. The Wolf of Wall Street by Martin Scorsese. 2013.

The Wolf of Wall Street

P.S. I’m currently addicted to Breaking Bad. So, that hinders my movie marathon. 😀

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on August 31, 2014 in Uncategorized

 

Tags: , , , , , , , , , , ,

#SLAMBOOKMILLIONAIRE

Uy, Jolens nominated me to answer this online slambook! Thanks! Apir!

Pucha, kelan ako huling nagsagot nito?

Tara, let’s do it.

Name: Think. Say. Feel.
Nickname: Marco (Babae ako ha. So defensive, I know! And this is an alias.)
Age: 20-something
Address: Metro Manila
Email add: I don’t have a dummy email and I’m not putting my personal e-mail. Thanks!
Zodiac Sign: Capricorn
Favorite Subject/s: School subject ba? History. In general, I can talk about almost everything but don’t start with me on religion.
Teacher/s: My History teachers back in high school. Pretty awesome. Then this Grade V teacher who loves to tell her stories about her children. Her son was a lovable bully and for some months, he became my crush.
Book/s: Trese series by Budjette Tan and Kajo Baldisimo. Some Mario Puzo and Gabriel Garcia Marquez titles. Others.
Author/s: Maria Puzo. Gabriel Garcia Marquez. Bob Ong. Lualhati Bautista. Nick Joaquin. Jonathan Kellerman. Mina Esguerra.  Others.
Movie/s: We have a lot of time to talk about this but I can’t put them here. Marami eh.
Movie Genre: All major movie genres and their sub-genres.
Actress/Actor: Lee Byung-hun. Tony Leung. Joel Torre. Mylene Dizon. Nonie Buencamino. Maggie Cheung. JGL. Kevin Spacey. Morgan Freeman. Cate Blanchett. Meryll Streep. Jack Nicholson. Peter Dinklage. Tina Fey. Christian Bale. Audrey Tautou. Gael Garcia Bernal. Diego Luna. Monica Bellucci. Andy Lau. (May iba pa.)
Singer/s: Corinne Bailey Rae, Norah Jones, Fiona Apple, Feist. Gwen Stefani. (Actually, marami eh. I just mentioned some names to avoid answering M2M, I mean Many to Mention.)
Song: Songs from the above artists.
TV Program: GoT, Breaking Bad, The L Word, Diary of A Call Girl, and marami pang susunod.
Radio Program: Used to listen to Good Times with Mo. I rarely listen to radio program these days.
Outfit: None
Food: Naisip ko ngayon siomai saka piaya.
Drinks: Kape’t tubig.
Color/s: Red and black
Lucky No/s: Wala
Hobbies: Watching movies, listening to songs, reading books. (Ginaya ko na si Jolens, pretty much the same) plus some travelling/hiking and sleeping.
Sports/Games: I don’t play any games but sometimes, I watch Tennis, Basketball and Football or UFC. Pwede na ba ‘yong patintero nung elementary?
Motto: Keep going no matter what.
Describe yourself: Malabong mata at tumatawa sa corny jokes.
Who is you crush: Marami. Pero search for Luke Landrigan. 🙂
What is love? Sabi ng The Beatles Love is All You Need.
Do you believe in destiny? No
Why? 🙂
What attracted you the most? Patawanin mo ‘ko.
Dreamboy: ‘Yong mahilig sa music saka movies. Saka pwede kong kaladkarin kahit saan.
Happiest Moment: Paggising sa umaga.
Greatest achievement in life: Tanungin nyo na lang ako after 10 years.
What is your greatest dream? Matapos ang mga bayarin.
Most wonderful event ever happened? Pag naalala ko. Maraming maliliit na bagay ‘yon eh.
Funniest Experience? Solb na ‘ko sa pagtawa sa corny jokes.
Most stupid thing you ever done? Went to work without brushing my teeth dahil lang talaga iniisip ko ‘yong susuungin kong traffic. Thanks to mouth wash inside my bag at nawala rin naman kahit papano ang baho ng bibig ko bago umupo sa workstation.
My idea of vacation: Isasama ko ‘yong crush ko tapos kakain, matutulog, gagagala sa town, maglalakad para ma-appreciate ang kagandahan ng kalikasan, sasakay ng trike/bus/jeep/Bangka/RORO, mag-uusap ng mga walang kwentang bagay tapos seseryoso kami, tapos magka-kape, iinom (flavoured beer ako o kaya wine), titikim ng street food, tapos tapos… (Teka, ideal date ata ‘tong sinagot ko?)
Regrets: Nagka-boypren nang wala namang nararamdaman dun sa lalaki.
Wildest Imagination: Hindi ako imaginative eh.
Your guilty pleasure: Chic Flicks.
Philosophy in life: Keep going no matter what. Galing ‘yan sa taas.
Loves: Currently in love with Breaking Bad. The idea of hiking Mt. Tagapo and Osmena Peak.
Hates: Uncertainty. People who constantly telling lies.
Last Words: See you around.

Now, the rule of the game is to nominate other bloggers/people to answer these questions. For those people I’ll nominate, you don’t need to answer these questions if you don’t want to, ok? Hehe. If you want, then go and lure others. 😛

First, I nominate Janey with cool stories about her fangirling and travel diary. Second, Mina with lots of stories to tell about media life and all those shit. Third, Ninay who has a lot of kwentos about her son and her family as well. Last one goes to Cup, the one who writes poems (Dude, you’re good).

 
6 Comments

Posted by on August 31, 2014 in Uncategorized

 

Tags: , , , ,

One Day Affair with Sagada

Just like Banaue, we had a side trip in Sagada. I didn’t enjoy Sagada that much. Well, maybe because there was a fiesta that time and people were all over the place. Heavy traffic was present as well. I really have to visit Sagada again to enjoy its beauty and experience what the place has to offer.

But anyway, I’m still happy that I had a glimpse of this place.

The nature

HPIM0361

Sun shining.

HPIM0372

The blue sunrise

 

HPIM0399

Breath

 

HPIM0408

Sneak peek inside the cave.

 

HPIM0413

The view

 

HPIM0415

The rice terraces

 

HPIM0438

The greenery

 

HPIM0482

Hanging coffins.

 

The tummy reliever

HPIM0393

I love Bana’s pancake.

 

HPIM0379

Craving for another cup

 

HPIM0383

Ham cheese omelet. (Thanks, Anj!)

 

HPIM0386

Sorry I didn’t get the name of this sandwich

 

HPIM0389

A Filipino breakfast

 

HPIM0425

I love this place.

 

HPIM0429

Gaia’s mini library and store

 

HPIM0441

Taste their organic food.

 

HPIM0437

My favorite quote inside Gaia

 

HPIM0453

Gaia

 

HPIM0457

Organic patty.

 

The gang

HPIM0411

Smiles after seeing the cave.

 

HPIM0419

View from jeepney topload

 

HPIM0489

Companionship

 
14 Comments

Posted by on February 24, 2014 in Travel, Uncategorized

 

Tags: , , , , ,

Random Short Story #1

Naalala ko noong una tayong nagkakilala. Habang nagbabasa ako ng libro sa loob ng isang sikat na tindahan ng kape ay nagkomento ka kung gaano kaganda ang librong hawak ko. Sinabi mo na magaling sumulat ang may-akda at nginitian kita tanda ng pagsang-ayon sa’yo. At lumipat ka sa silya sa harapan ko para ituloy kung ano pa ang mga natitirang papuri sa libro at sa may-akda. Tuluyan na kitang kinausap dahil naging interesante ang dating mo sa ‘kin. Bihira sa mga lalaki ang nagbabasa kaya mas lalong nakakaintriga ang personalidad mo. Ito ang unang pagkakataon na kumausap ako ng isang estranghero na lagpas sa limang minuto. Nakuha mo agad ang interes ko.

Um-order pa ‘ko ng kape at gayun din ang ginawa mo. Mukhang mahabang usapan ang mangyayari sabi ko sa sarili ko. Naging malawak ang saklaw ng usapan natin. Alam ko naman na hindi lang ito basta ordinaryong usapan upang makilala natin ang isa’t isa. Narito tayo sa isang modernong panahon kaya hindi imposible ang iniisip ko na hindi lang usapan ang gusto mo. Napunta tayo sa isang maselang usapan. Usapan sa pagitan ng dalawang tao na gustong makaramdam ng init sa balat. At nagkasundo tayo. Sabi ko nga, nakuha mo ang interes ko.

Ikaw ‘yong tipo na pwedeng magpasunod ng tao. Pero kaya mo ‘kong patawanin sa simpleng bagay lang. Tawa na nagiging halakhak, kung sabagay, mababaw lang naman ako. Diretso ang pananalita mo, walang ligoy. Mas madaldal ka sa’kin. Marami kang kwento na kinaaaliwan ko. Ang sarap pakinggan ng bawat kwento mo pero hindi ka nagbabanggit ng nakaraan mo. Sabi mo nga, nakaraan na ‘yon pero paminsan ay pinagbibigyan mo aking mga tanong tungkol doon. Intelehente ka sa lahat ng bagay kaya hindi ako nagtataka kung paano mo napukaw ang aking interes.

Madali akong naging komportable sa’yo at ganoon ka rin sa’kin. Sabi nga, click agad. Wala rin naman akong inaasahan na iba pa kung hindi ang naging kasunduan natin. Nagsimula tayong gawin ang dapat gawin sa isang pribadong lugar at pagakatapos noon, palagian na iyong mga tawag, mga mensahe sa text at chat. Para bang hindi na pwedeng hindi tayo mag-usap.

Hindi ko inasahan nung sinabi mo na gusto mo ‘ko. Siguro sa parehong paraan din na alam kong gusto kita. At nagpatuloy pa tayong muli sa kasunduan. Naalala ko noong sinabi ko na masarap kang halikan. Hindi nakakasawa bagkus ay aking binabalikan. Katulad ng masamang bisyo, nakaka-adik ika nga. Pero iniisip ko na wala lang ito.

Ngunit habang tumatagal ay naghahangad din ako na makita ka ng mas madalas. Pero hindi maaari dahil pareho tayong abala sa mga kanya kanyang trabaho. Nirerespeto ko ang oras mo at iniintindi ang bawat salitang binibitiwan mo. Natuto akong maghintay ng mas mahaba kaysa sa aking nakasanayan. Lalong humaba ang pisi ng pasensya ko.

Binabalikan ko na lang ‘yong araw na huli tayong nagkita. Naalala ko ang mga kwento mo. Naalala ko ‘yong lugar na dinaanan natin. Naalala ko ‘yong pagpili ng pagkain natin. Naalala ko kung gaano kasarap ang bawat pagdampi ng labi mo sa katawan at labi ko. Naalala ko kung gaano kita kagusto.

Hindi nagtagal ay dumalang ang pagkikita, dumalang ang mga tawag. Naging mabagal ang bawat oras. Katulad ito ng madalang na pagpatak ng ulan sa buwan ng Marso at Abril kung saan ang haring araw ay namamayagpag. Naiintindihan ko. Isa pa, hindi ako dapat mag-reklamo kasi nga ay wala tayong relasyon pero ayos pa rin ako. Hindi ko masyadong iniinda ang emosyon na namumuo sa kaloob-looban ko. Amindo naman ako na mas madalas na kitang iniisip at ipinapaalam ko pa iyon sa’yo. Sa tuwing magkausap tayo ay hindi ko pinagkakaila kung gaano kita gustong makita muli. Pero sa huli, nangingibabaw pa rin ang wala lang ito. Kailangan kasi. Huwag kang magtampo, lahat ng sinabi mo ay naiintindihan ko.

Ang dami ko ng kwento na gustong sabihin sa’yo. Mga kwentong nakakatawa noong mga nakaraang linggo at buwan. Nalimutan ko na rin banggitin na may isang kanta ako na gusto kong marinig mo kasi pakiramdam ko ‘yon ang gusto kong maging kanta para sa’yo. Ang drama ko na, may mga pagkakataon na rin na pinapansin ko na ‘yong nararamdaman ko sa’yo. Pilit na pilit na minsan ang pag-iwas ko na ‘wag kang isipin. Nakakabaliw pero buti hindi pa rin ako iniiwan ng katinuan ko. Naaawa sya marahil sa ‘kin Naalala ko kasi ‘yong sinabi mo na ‘wag magtiwala kahit kanino man at kahit sa ‘yo mismo. Marami na rin akong kwentong nabuo sa isipan ko na kasama ka. Pinagnasaan pa kitang iharap sa altar kung sakali man.

May isang bagay lang akong hindi inasahan mula sa’yo. Hindi mo sinabi na may katuwang ka na sa buhay. May nauna na palang nagbibigay ng pangangailangan mo. Sa ibang tao ko pa nalaman. At bigla kong naisip, ang liit ng mundo. Hindi ko alam kung bakit nangyari ‘yon. Wala akong ideya bakit ‘di mo sinabi. Oo nga naman, kung sinabi mo ‘yon noong una ay malamang hindi ako pumayag sa kasunduan. Isa pa, hindi ko alam ang tunay na intensyon mo. Hindi ko alam kung may balak ka pang kausapin ako at ipaliwanag ang lahat.

Una kong naramdaman? Ang tanga ko pala.

Pangalawa? Naiwan ako sa ere.

Pangatlo? Naloko ako.

Pang-Apat? Wala akong importansya bilang tao at bilang babae.

Paglima? Magiging manhid (ata) ako.

Sa kabila ng lahat, hindi ako galit sa’yo. Hindi ko alam kung bakit. Aaminin ko, may mababago sa’kin pero hindi ko alam ang eksaktong mga bagay na magbabago at hindi ko alam kung kailan mangyayari ‘yon. Marahil ay sa mga susunod na araw. Hindi pa ‘ko sigurado. Uulitin ko, hindi ako galit sa’yo at hindi ata mangyayari ‘yon.

Naisip ko na sana ay isa ka lang mansta sa damit. Maaari kang ibabad muna sa powder at clorox. Pagkatapos ay kukusutin, babanlawan. Pwede rin na ibabad sa fabric conditioner para maging mabango at maglaho ang di kanais-nais na amoy. At sa huli, patutuyuin sa init ng araw na parang walang naging bakas ng mantsa ang damit.

 
Leave a comment

Posted by on January 17, 2013 in Made Up Stories, Uncategorized

 

Tags: , , , , ,

Jun Sabayton Jr.

Hindi ko alam kung kelan ako tinubuan ng maliit na crush kay Sir Jun Sabayton Jr. Oo, nakiki-Sir din ako tulad ‘nong mga ibang tumatawag sa kanya sa Facebook, Twitter at Tumblr. At may Youtube account din pala sya, kelan ko lang din nadiskubre.

Sino nga ba si Jun Sabayton Jr.?

Tumblr description – social satirist, film/video director, photographer, wanabe film archivist,ex production designer. likes jonas mekas, self centered bastard, Walang ibang bisyo kundi umibig. 🙂

‘Nung una kong mabasa ‘yong “Walang ibang bisyo kundi umibig“, tawang tawa ‘ko. Ang conceited ng dating pero nakakaaliw. At ‘wag ka, dahil ang Team Manila ay kinuha ang linyang ‘yan para ilagay at i-print sa mga T-Shirts nilang binebenta. Oha!

Actually, nagahahanap ako ng description nya mula sa ever reliable Wikipedia kaso hindi pa ata nasimulang i-type ang kanyang talambuhay. Pero kung nanonood ka naman ng TV5 (Wasak, Word of the Lourd) at napanood na ang music video ng Astro by RadioActive Sago Project, malamang may hint ka na kung sino ‘yang sinasabi ko.

Parang kamukha nya si Nora Aunor.

Friends nya sina Lourd de Veyra, RA Rivera at Ramon Bautista. Lahat ng friends nya crush ko lalo na si Papa Ramon. Parang lahat sila napaka-witty ng dating at ang lakas ng humor. Sayang nga lang at hindi ako nabigyan ng pagkakataon para magpa-picture kay Sir Jun ‘nong nakaraang Cinemalaya (2011).

Si Sir Jun ang pamatay umay pag seryoso na sa usapan si Lourd sa Wasak episode. Witty sumagot eh. Nakakatawa. Inuulit ko, nakakatawa sya. Tignan ko lang ‘yong ilang pictures sa FB at Twitter, tawang tawa na ‘ko.

Ilan sa mga litrato ni Sir Jun nagpatawa sakin:

The Astro Boy

 

LOL

 

Jun with Papa John Lloyd

 


 

 
1 Comment

Posted by on February 7, 2012 in Uncategorized