RSS

Tag Archives: blabbing mind

Kung Minsan

Kung minsan, gusto mong hilingin na magtagal ang isang bagay
Bilang sa kamay ang minsanang pagpapatangay
Sana’y matupad. Sana’y matugunan. Sana’y maghatid ng ligaya.
At sana, hindi puro SANA ang susunod na litanya.

Advertisements
 
2 Comments

Posted by on June 19, 2015 in Made Up Stories, Rants and Raves

 

Tags: ,

Because Monday is All About Blues

Minsan, magpakatanga naman tayo.

— Issey. Dagitab (2014)

There are things you shouldn’t have done or things you wish you’re able to do. Because most of the time, my mind is full of unnecessary shit and unheard/unwritten thoughts, I have a theory that I fucked up some certain things. Things I thought are not important or best way to describe it: ‘not part of my system and not used to it’.

Been thinking a lot the past few days and it hurts. I still don’t have any resolutions but I want to patch things up. I really want to but I don’t know how or where to start.

Just this weekend, I’ve watched some indie entries from Cinemalaya. Films are part my escape plan but at the same time, they drag me to quiet moments and think over the things I have done lalo na ‘pag alam kong tinamaan ako sa istorya. Sometimes, not only the stories but the accompanying songs and music. I feel like they’re talking to me, saying something I should listen to.

The Players: Shoemaker feat. Karen Gaerlan (Mariquina. 2014)

I wish that all of us were better at playing the game.

Until it feels like the only solution we know is to go.

Broken Strings – Karen Gaerlan (Mariquina. 2014)

Following footsteps returning to silence.

Sparks – Champ Lui Pio (Dagitab 2014)

If only we can start.

Start with something stupid.

And maybe we can start with something beautiful.

Mula Rito Hanggang Kalayaan – Noel Cabangon (Dagitab. 2014)

Kahit pag-ibig ay tatalikdan.

Way of the Heart – Mon Espia (Dagitab. 2014)

Just forget about your foolish pride.

The only way to go is to follow the way of the heart.

Tinamaan nga ata ako ‘don sa mga kanta. Been listening to them since seven in the morning on Monday. Hanggang doon na lang siguro.

“Kung napapagod ka na, hindi mo naman kailangang umalis. Kailangan mo lang magpahinga.”

— Jimmy. Dagitab (2014)

 
7 Comments

Posted by on August 11, 2014 in MUSICgasm, Rants and Raves

 

Tags: , , , , , ,

Random #1

Sa sobrang dami ng nararamdaman mo, hindi mo na rin s’ya kayang isulat. Matindi pa ‘yan kesa sa pinaghalo-halong pagkain sa isang boodle fight. Tipong hindi mo mahanap ‘yong salita na gusto mong sabihin. Buhol-buhol. Tapos hindi mo pa kontrolado.

Okay lang ako.

Hindi pala.

Minsan akala ko lang.

Okay lang muna sa ngayon.

Magiging okay din ‘yan.

 
Leave a comment

Posted by on December 12, 2012 in Rants and Raves

 

Tags: , , ,

Tingin ko Wala Naman Talaga ‘kong Standard

na sinusunod pagdating sa pagtingin sa pisikal na anyo ng lalaki. Hindi ako ‘yong tipo na “gusto ko ganyan”, “gusto ko ganito”. Napaka-random ko kasi pagdating sa ganyan. Basta swak sa paningin ko, okay na ‘ko dun. Basta kahit paano presentable sya, ayos ako dun.

At sa gitna ng pag-inom ng kape at paglanghap ng usok mula sa sigarilyo at tambutso, natanong ako ng mga ka-opisina kong lalaki kung ano ba ‘yung gusto ko sa lalaki. Parang hot seat ang nangyari. Parang pinagti-trip-an ako. Pero napaisip nga rin ako. Sa isip-isip ko, meron nga ba? Sa pagkakatanda ko, wala akong sinet na ganito-ganyan.

Pero heto na lang, para masabi lang na may standard kuno ako o kung standard man na matatawag ‘yan:

  • Hindi ko gusto ‘yong lalaking sobrang linis ‘pag tinignan mo mula ulo hanggang paa. Sige, sabihin na natin na vain. Ako kasi ‘yong babaeng hindi palaayos. Ni hindi nga ako marunong mag-apply ng make-up. Pati paglalagay ng pulbo eh hindi ko ‘yan ginagawa (once in a blue moon lang siguro).
  • Okay sa’kin ang long hair (basta bagay) tsaka kulot ang buhok. Appealing. Macho ang dating sa’kin ng mga ‘to.
  • Sa totoong buhay, hindi ako naaakit sa lalaking halata na ‘yong shape ng muscles. Pwera siguro kung artista ‘yan na crush ko.
  • Pagdating sa height, gusto ko mas matangkad sa’kin. Kahit 1 or 2 inches lang ang tangkad n’ya sa’kin, pwede ‘yon..
  • Hindi rin kaso sakin ‘yong complexion.

Tignan n’yo na lang siguro sila para malaman n’yo kung may pattern ba. Ako mismo kasi hindi ko matukoy eh. Laging personality lang kasi ang sa’kin.

Actually, kulang pa ‘yan. Nahiya na lang ako na lagyan pa. Hahaha 😀 O sige na, masyado na silang madami. 😀

 
6 Comments

Posted by on December 5, 2012 in Rants and Raves

 

Tags: , , ,

Maganda Ka Sana Kaya Lang

tinapon mo ‘yong maliit na tisyu sa daan. ‘Yong daan na ‘yon eh dinadaanan ng mga tao galing SM Makati, Glorietta at Greenbelt papuntang MRT Ayala station at abangan ng bus. Pansin ko sa daan na ‘yon, hindi naman madumi. O baka naduling lang ako? Ate, bakit mo tinapon ‘yong tisyu na ‘yon sa daan? Hindi ba kasya sa bag mo? Wala kang bang mahahanap na basurahan sa daraanan mo?

Ang tangkad mo. Maputi ka. Tuwid na tuwid ang buhok. Maganda ka rin naman. Pero nakakawalang gana ‘yong pagtapon mo ng basura. TURN OFF ikaw nga ng mga lalaki. Ang big deal sa’kin ano? Maliit lang na basura ‘yon eh bakit nagrereklamo pa ‘ko ng ganito? Saan ba nagsisimula ang malaking problema? Hindi ba sa maliit at hindi pinapansing mga bagay?

Ang alam ko kasi, bata pa tayo eh tinuturuan na tayo ng magulang natin na magtapon ng kalat sa TAMANG BASURAHAN at hindi kung saan saan. Sa bahay pa lang dinidisiplina na tayo. Ewan ko kung anong nangyayari na. Ako nga, ‘pag nakain ako sa bus, jeep o ano mang lugar, nilalagay ko muna sa bag o bulsa ko ‘yon kalat. Alam mo/nyo bakit? Syempre ayoko namang masyadong pabigat sa problema ng baha sa bansang ‘to. Kahit ticket ng bus, hindi ko tinatapon sa kung saan.

Tapos ang kukupal nating magreklamo na kesyo kasalanan ng gobyerno kaya taun-taon na lang ang pagbaha sa’tin. Sunud-sunod ang paninisi natin sa iba. Ang kapal lang natin na ngumawa ng ngumawa sa ganitong problema pero hindi natin pinapansin ang kamalian natin. Kung gusto natin na maging maayos ang ganyang problema, dapat sinisimulan natin sa sarili natin. Kahit na maliit na bagay ‘yan, maano ba’t magiging mabuti rin ang lagay sa kalaunan.

PAKIUSAP: MAGTAPON NAMAN TAYO NG BASURA NATIN SA TAMANG BASURAHAN.

Hindi naman siguro mabigat na gawain ito, hindi ba?

 
2 Comments

Posted by on August 24, 2012 in Rants and Raves

 

Tags: , , , ,