kanina kasi unusual na walang sasakyan dun sa bus stop sa Ayala (sa baba ng MRT AYALA Station). Unusual dahil 6pm na yun tapos wala yung mga bus. Somehow, nakakakaba ‘yon. Hindi ako sigurado kung pinatupad na ng MMDA ‘yong bago nilang traffic scheme. Something about Bus A and Bus B stop over. Walang gaanong bus na dumadaan talaga kanina kaya ‘yong mga tao naipon na sa daan. Lagpas na nga doon sa tinakdang waiting area. Syempre pumunta din ako kung nasaan ‘yong mga tao. BASTA ANG WEIRD LANG KANINA SA PARTENG ‘YAN NG EDSA. Tsk.
So, noong dumating ‘yong isang bus na pa-Alabang, ang daming tao (babae man o lalaki) na talagang tumakbo para lang mahabol ‘yong bus. Ako ‘yong natakot para sa kanila eh. Paano kung hindi sila makasakay or may masamang mangyari? Naaawa ako doon sa mga babaeng nasakay sa bus, kahit puno na, sasakay pa rin. Well, gawain ko rin naman ‘yon paminsan sa kadahilanang gusto ko nang makauwi.
At sa wakas, dumating ang kaisa-isang bus na pa-MIA. Medyo puno tapos marami rin akong kasabay na ibang pasahero. Syempre, hindi na ‘ko nag-inarte pa, sumakay na rin ako. Madalas kasi, naghihintay ako ng medyo maluwag na bus. Oo, maarte ako bus. Maluwag na bus, tipong makaksakay pa ‘ko tapos nakatayo ako sa dulong parte. Pwede pa ‘yon. Pero kanina, kahit sobrang sikip na sa bus, tumuloy pa rin ako. Sa estribo na nga lang ako nakapwesto. Ayos lang naman. May bababa rin naman sooner or later naisip ko. Sa sobrang sikip nga sa bus, naamoy ko na pati yung pawis na natuyo sa likod ko. Pati buhok ni Ate sa harapan ko, naamoy ko na rin. Pati yung lagkit ng mga braso, nakuha ko na. Tsk. Tsk.
Buti nga hindi ako naiinis eh. Siguro masyadong sanay lang ako sa ganitong eksena. Sa araw-araw ba naman na bumyahe ka, masasanay at masasanay ka rin. Enough reason to hate Manila pero kahit ano pa ‘yan, mahal ko pa rin ang lugar na ito. Karamihan nga sa mga kasabay ko eh mga babae. Kahit medyo umandar na ‘yong bus, sige pa rin sa pagsakay basta makauwi lang. Ang tapang nila ano?
Grabeng pasensya lang ang baon ko sa araw-araw na pagbyahe ko. Minsan nagtataka pa ‘ko kung bakit hindi ako naiinis sa ganyang eksena. Kulang siguro ang working days ko nang hindi nakatayo sa bus. Mapa-estribo man ‘yan o sa gitnang parte. At mabuti na lang talaga, may naririnig akong music. Siguro ‘yan ang dahilan kung bakit cool lang ako sa mga ganyang senaryo.