RSS

Tag Archives: random

Untitled: Drama and Music

Helloooooooo!

I think I’m back writing some shit about anything pero I’m not sure if kaya kong i-sustain ba. A lot of things happened between my last post in 2015 and today. More than two years, eh? May masaya, malungkot, nakakainis, nakakatakot; name it and I’m sure meron akong mahuhugot. But one thing is certain, I am grateful for everything I’ve been through. Those things made me stronger, more understanding and open-minded. But most importantly, I had the chance to choose to be quite content with everything. Not in the sense na kuntento na lang habambuhay but limiting myself sa mga bagay na hindi kailangan in the long run, whether people, things, or situations.

Read the rest of this entry »

Advertisements
 
5 Comments

Posted by on July 31, 2017 in MUSICgasm, Rants and Raves

 

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

Tingin ko Wala Naman Talaga ‘kong Standard

na sinusunod pagdating sa pagtingin sa pisikal na anyo ng lalaki. Hindi ako ‘yong tipo na “gusto ko ganyan”, “gusto ko ganito”. Napaka-random ko kasi pagdating sa ganyan. Basta swak sa paningin ko, okay na ‘ko dun. Basta kahit paano presentable sya, ayos ako dun.

At sa gitna ng pag-inom ng kape at paglanghap ng usok mula sa sigarilyo at tambutso, natanong ako ng mga ka-opisina kong lalaki kung ano ba ‘yung gusto ko sa lalaki. Parang hot seat ang nangyari. Parang pinagti-trip-an ako. Pero napaisip nga rin ako. Sa isip-isip ko, meron nga ba? Sa pagkakatanda ko, wala akong sinet na ganito-ganyan.

Pero heto na lang, para masabi lang na may standard kuno ako o kung standard man na matatawag ‘yan:

  • Hindi ko gusto ‘yong lalaking sobrang linis ‘pag tinignan mo mula ulo hanggang paa. Sige, sabihin na natin na vain. Ako kasi ‘yong babaeng hindi palaayos. Ni hindi nga ako marunong mag-apply ng make-up. Pati paglalagay ng pulbo eh hindi ko ‘yan ginagawa (once in a blue moon lang siguro).
  • Okay sa’kin ang long hair (basta bagay) tsaka kulot ang buhok. Appealing. Macho ang dating sa’kin ng mga ‘to.
  • Sa totoong buhay, hindi ako naaakit sa lalaking halata na ‘yong shape ng muscles. Pwera siguro kung artista ‘yan na crush ko.
  • Pagdating sa height, gusto ko mas matangkad sa’kin. Kahit 1 or 2 inches lang ang tangkad n’ya sa’kin, pwede ‘yon..
  • Hindi rin kaso sakin ‘yong complexion.

Tignan n’yo na lang siguro sila para malaman n’yo kung may pattern ba. Ako mismo kasi hindi ko matukoy eh. Laging personality lang kasi ang sa’kin.

Actually, kulang pa ‘yan. Nahiya na lang ako na lagyan pa. Hahaha 😀 O sige na, masyado na silang madami. 😀

 
6 Comments

Posted by on December 5, 2012 in Rants and Raves

 

Tags: , , ,