RSS

Tag Archives: traffic

It Was Friday Night

12 A.M. – Hindi naman saktong alas-dose ng hatinggabi ‘yan. Lagpas pa. Dahil sa sobrang trapik sanhi ng ulan, napilitan akong maglakad. Hindi lang simpleng lakad. Bumaba ako ng taxi dahil WALANG PAG-ASA NA MAPABILIS ANG BIYAHE KO. Pumatak ang metro ng 150 pesos. Sa halagang ‘yan, andun na ‘ko sa malapit sa’min. Hindi na kasi gumagalaw ‘yong mga sasakyan. Halo-halo na. Private vehicles, bus, taxi, truck. Sa ganitong oras, ang dami pa ring tao sa kalsada. Akala mo umaga. Nadaanan ko ‘yong mga bus na pa-Cavite, pa-MIA, at pa-Baclaran. Puno pa rin. Ang dami pa ring nakatayo. Alas-3 na siguro ng umaga ako makakauwi kung hindi pa ‘ko naglakad. Mula Macapagal Ave. (malapit sa Blue Wave) ‘yong umpisa ng nilakad ko hanggang sa Tambo. Sa Ayala at EDSA pa lang, may aberya na dahil sa trapik. Ito ang panahon na nagagalit talaga ‘ko sa ulan. Nung una ako lang ‘yong naglalakad. Hindi naman ako natatakot. This was the second time that I walked alone at 12 A.M. Tapos after 20 minutes, may nakita ‘kong naglalakad din, inunahan nga ako. Then after 10 minutes, naisip ko na tawagin ‘yong lalaking inunahan ako sa paglalakad para sana makiusap kung pwedeng sumabay ako sa kanya. Ewan ko kung bakit hindi ako nakaramdam ng takot. Malay ko ba kung snatcher ‘yon o kaya rapist. Hindi ko nga rin nakita ang itsura nya. Basta nagkaroon ako ng urge to ask him kaso umurong ‘yong dila. Tsaka isa pa, kahit mabilis akong maglakad, eh mas mabilis pa rin sya. Ang layo ng gap namin eh. Ilang beses ako nakipag-debate sa utak ko kung tatawagin ko ba s’ya o hindi. Pero parang nakuntento na lang akong tignan s’yang naglalakad.

6:15 P.M. – Nasa Greenbelt 3 Cinema ako at ‘yong dalawang kaibigan ko. Hindi kami nakaabot dun sa 6:30 P.M. screening ng isang French film (Rust and Bone) na gusto naming (kong) panoorin. Free admission ang pelikula at bida si Marion Cotillard. Sayang. Ayoko namang pumila sa 9 P.M. screening dahil may ibang agenda pa ‘ko sa gabing ‘yon.

7:00 P.M. – Gumala na lang tuloy kami sa POWERBOOKS. Dahil na-frustrate (siguro) ako kaya napabili ako ng libro. Medyo lagpas sa quota ko ‘yong inilibas kong pera para pambayad dun sa dalawang libro na gusto ko. Pero nakakatuwa kasi hindi na rin ako nag-hesitate na gumastos para dun. Bago ‘yon ah.

7:30 P.M. – Dahil hindi naman kami malaki gumastos ng mga kaibigan ko, napili naming kumain sa McDo. Tapos nag-kwentuhan na lang dun. Kung anu-ano. Halo-halo. Tapos may nakita pa ‘kong picture na pang-Throwback Thursday dun sa kaibigan ko. Ang cute nya! Tapos pala, walang lasa ‘yong Sprite namin. Naging tubig na lang ang lasa. Tsaka sabi pala ni Jane, ang unang impression n’ya sa’kin eh mukhang mabait. Pero hindi naman daw pala. Hahahaha!

9 something P.M. – Heto na. Ito ang oras ng agenda para sa gabing ‘yon. Naglagay ng konting alkohol sa tiyan. Isang Tanduay Ice lang ang sa’kin. Pati kay Khar. Kaso isang bote nga lang pero agad namang bumigat ang ulo ko. Bakit ba kasi hindi ako nagtatanda? Alam ko naman na ganun ang epekto ng deceiving na Tanduay Ice pero ‘yon pa rin ang pinili ko. Ang sarap kasi sa dila eh. Basta okay sa panlasa ko. Dapat pala juice or iced tea na lang in-order ko. Hindi ko tuloy natupad ‘yong pangako ko kay Khar na ako ang uubos nung kalahating laman ng bote n’ya. Ang bigat ng ulo ko. Gusto ko na matulog dun sa pwesto ko. Tapos parang nagzo-zone out ako. Ang sungit ko raw na lasing (lasing na ba ‘ko nun?) sabi ni Baldo. Ilang beses na rin akong natanong kung okay ako. Okay naman ako. Klaro pa isip ko eh.

11:11 P.M. – Nagpaalam na ‘ko. Hindi ko na kaya. Hinatid naman ako nung tatlong kaibigan kong lalaki. Ang tagal ng taxi. ‘Yong iba ayaw magpasakay. Hindi pa ‘ko aware na malala pala ang sitwasyon ng trapik. Dahil sa katagalan bago ‘ko makasakay, napakwento. Ako ang nasa hot seat. Problemang utak at puso. Ito siguro ang dahilan kung bakit ako napabili ng libro. Na-anticipate ko unconsciously. Pwede kaya ‘yon? Bumalik lahat ng frustrations ko. Nagkaroon ako ng doubt. Eh ayoko ng doubt pero nilalapitan ako. Gusto kong umiyak. Pucha. Buti na lang mga nakakaintindi naman ‘yong mga kumakausap sa’kin. Salamat kay B, O at R.

1:30 A.M. – Nakauwi na ‘ko ng bahay nya. Ang bilis ko kasi maglakad eh.

2:00 A.M. – Nag-text ako sa kaibigan ko, asked her kung nakauwi na sya. Pagkareply n’ya, nag-shutdown na ‘yong mata ko.

 
2 Comments

Posted by on June 9, 2013 in Kwentong Byahe, Rants and Raves

 

Tags: , , , , ,