RSS

Monthly Archives: April 2012

Random Sabaw

Ang busy ng buong April kahit pa sabihing may 5 na bakasyon dahil sa Semana Santa. Sunod-sunod na gawain. Nakaka-frustrate lang kasi parang pakiramdam ko hindi ko sya matatapos. Parang wala rin naman akong magawa. Basta pakiramdam ko nakakapagod ang buong month na ‘to.

Physically, maghapon ka nakaupo. Mentally, draining ang mag-isip sa double time. Parang ilang beses ata nabanggit ng utak ko at bibig ko ‘yong phrase na “What the Fuck?

Seriously, hindi ko alam ‘yong ilalagay sa post na ‘to. Wala lang. Sabaw na ng utak ko. Parang emotionally napagod din ako. Eh ano ba ‘yong mga ‘yon?

Jealousy. Insecurity. Katamaran. Frustration.

Arggghhhh.

Speaking of frustration. Pati sa panaginip ko dinalaw ako ng mga frustrations ko. Hindi ako alam bakit. Hindi nga lang isang gabi ‘yon eh. Parang three consecutive days. Alam mo ‘yong feeling na totoo ‘yong panaginip mo? Ganun. Ang vivid ng dating.

Sige na, wala na ‘kong malagay dito eh.

 

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on April 30, 2012 in Rants and Raves

 

Foreign Films for April

Thought April would be generous enough for me to see 15 films for the month. Kaya lang naging busy talaga eh. Kaya 11 films lang. Hope you’ll like them as much as I did. 🙂

1. Sound of Noise – Swedish-French comedy-crime film by Ola Simonsson, Johannes Stjärne Nilsson. 2010

 

2. Green Street Hooligans – British/American film by Lexi Alexander. 2005

 

3. Antichrist – from Denmark by Lars von Trier. 2009

 

4. Seducing Mr. Perfect – South Korean film by Sang-woo Kim. 2006

 

5. A Moment to Remember – South Korean film by John H. Lee. 2004

 

6. In the Realm of Senses – Japanese film by Nagisa Ôshima. 1976

 

7. Se7en – American thriller film by David Fincher. 1995

 

8. Beginners – American film by Mike Mills. 2010

9. Crazy Stupid Love – by Glenn Ficarra and John Requa. 2011

 

10. The Iron Lady – British film by Phyllida Lloyd. 2011

 

11. Criminal – American film by Gregory Jacobs. 2004

 
Leave a comment

Posted by on April 29, 2012 in Movies & Television

 

Outer Space

Hindi ko alam kung tamang title ba ito sa post na ito. Anyway, try ko na lang na i-explain. Outer Space, hindi ito ‘yong alam nating kalawakan. Meron akong ang sariling paliwanag dyan.

Outer – ibig sabhin sa labas. Malamang alam natin ‘yon diba.

Space – Ang sariling nating space. Ang tipikal na espasyo sa mundo natin. Comfort zone, if I may say.

Sige, sagot ka na lang ng OO para kunwari gets mo ‘yong sinabi ko. Ganito kasi, I knew some people from online and keep them as friends. As in online ko lang nakilala. Either sa isang room or forum. Nabanggit ko na rin sa dating post ko na I talk to people online kahit ‘di ko kilala. Pampalipas oras. Tsamba na kung jive kayo ‘nong kausap mo at magkakasundo kayo kahit nag-uusap lang kayo online. ‘Pag hindi ko feel ang kausap ko, wala na, ‘di ko na sya kakausapin. I always have this curiosity kung may mahahanap akong matinong tao kahit sa cybersapce lang nakilala. And I think, I am lucky enough to have a few of them.

Dahil hindi nga naman tipikal ang makipagkaibigan online, kaya tinawag ko silang Outer Space. Nanggaling sa labas at naging parte ng tipikal kong espasyo. Magulo pa rin ba ang title? Hahahaha. Sige, bahala na.

Ito ‘yong mga nakilala ko in a span of 2 years at kahit paano matatawag ko naman na kaibigan.

Note: Names are based on their personalities and likes.

1. Skittles

Gender: Female
From: A forum
Age: 4 years my senior

Description: She’s like an Ate. Jive kami nito. Inaabot kami ng closing ng mall pag nag-uusap. Mas madaldal sya sa’kin pero lahat ng sinasabi nya may sense. She likes RPG and in three years, she’s getting married.

2. Momsie

Gender: Female
From: Room
Age: 16 years my senior

Description: She’s already a mommy and she got a daughter na medyo brat at sweet naman. Eto, madalas din sya magpayo ng mga kung anu-ano. Parang nanay ko lang. Mabait and sweet. Minsan nagkukwento sakin ng mga personal na bagay at natutuwa ako kasi pakiramdam ko ang laki ng tiwala nya sa’kin. Naku, madaldal din ito. Hindi nauubusan ng kwento. Thanks ulit sa kape! 🙂

3. The Teacher

Gender: Female
From: Room
Age: 5 years my senior

Description: Teacher sya ng mga Japanese students. She resides in Davao. Layo ano? May boyfriend na Australian pero may ibang crush na pinoy. 🙂 Mataray din ito lalo na ‘pag alam nyang may umaway sa’kin or sa kung sino man na close sa kanya.

4. Beatles

Gender: Male
From: A forum
Age: 3 years my senior

Description: Saulo nya ang Beatles Discography. Medyo magkasundo kami sa movies. Medyo suplado at isnabero ito pero mabait naman. Hindi ko pa sya nakikita ng personal pero more than a year ko na syang kilala

5. The Crush

Gender: Male
From: Room
Age: 11 years my senior

Description: Matalino. May magandang work. Jive kami sa music, as in. Mahilig magkwento ng kung anu-ano. Straightforward magsalita. May sense of humor. ‘Pag kumain yan, imbes na kutsara, tinidor ang gamit nya para daw mas mabusog sya dahil nga nakakabagal ng pagkain. At oo nga pala, crush ko sya.

6. Young

Gender: Male
From: Room
Age: 4 years my junior

Description: Sobrang kulit nito. Lagi akong kinukulit. Naalala ko, sabi nya may sikreto daw syang sasabihin. Nagulat ako sa revelation nya. Ayoko banggitin dito ‘yon kasi baka mabasa nya at magtampo. Ang nakakatuwa sa kanya, mahilig ‘yan mag-cheer up ‘pag down ka.

7. Pussy

Gender: Female
From: Room
Age: 5 years my senior

Description: She’s a mom. Hilig nya mag-drawing. Na-master na nya ang pagsasaing through the years. Parang dalaga pa kung titignan mo sya pero straightforward din kung magsalita. Walang sugarcoat ang mga words. Makulit din ito kausap.

8. Move On

Gender: Male
From: Room
Age: 10 years my senior

Move on, palagi nyang nababanggit nyan. Ang cute ng anak nya, kulot ang buhok at mukhang makulit. Kahit madalas hindi kami tugma sa mga bagay bagay, eh magkasundo pa rin kami. Akala mo lang suplado pero deep inside, cheesy din. Sus.

9. On the Wheels

Gender: Male
From: Room
Age: 8 years my senior

Description: Business-minded ang lalaking ito. At bukod sa pagkahilig sa gadgets and games, gusto nya rin ng mga kotse. Mahilig ‘yan magtanong ng kung anu-ano. May sense sya at praktikal din naman kahit paano sa mga bagay-bagay.

 

Pero may gusto pa ‘kong makilala. Gusto ko sana na maging kaibigan ko rin ‘yong 3 bloggers na paborito ko. Puro mga babaeng bloggers. They are fierce as hell when they lay the words for you to read and learn. Well, it will just be a dream for now but I am hoping to meet them in the future, if there is a pretty chance.

 
3 Comments

Posted by on April 21, 2012 in Rants and Raves

 

Online Mix Tape

Last month, nasabi ko na gagawa ako ng mix tape pero online nga lang. Well, successful naman at nagawa ko sya. Medyo matagal na rin noong na-post ko sya pero ngayon lang ako nakapag-blog about this. Maybe because overwhelmed ako dahil first time ko gumawa ng mix tape. It’s like telling a story in a form of music/mix tape.

So, here are the tracks included on my mix tape called Heartache Music.

Note: Just a random list.

  1. It’s Too Late – Carole King
  2. Angels or Devils – Dishwalla
  3. Scientist – Coldplay
  4. The Man Who Can’t Be Moved – The Script
  5. We Don’t Need No Love Songs – Fitz and The Tantrums
  6. Trouble Sleeping – Corinne Bailey Rae
  7. Winning the Battle, Losing the War – Kings of Convenience
  8. Better that We Break – Maroon 5
  9. Don’t Lie – Black Eyed Peas
  10. The Limit to Your Love – Feist
  11. Fuck You – Cee Lo Green
  12. I’d Rather Go Blind – Etta James
  13. Perfectly Lonely – John Mayer
  14. If It Kills Me – Jason Mraz
  15. Don’t Speak – No Doubt
  16. Words Get in the Way – Gloria Estefan
  17. After the Love Has Gone – Earth, Wind and Fire
  18. Tattooedon my Mind – D’sound
  19. Back to Black – Amy Winehouse
  20. Smile – Lily Allen
  21. Everybody Hurts – REM
  22. Deep Inside of You – Third Eye Blind
  23. How Can You Mend a Broken Heart – Al Geen
  24. Always Something There to Remind Me – Naked Eyes

Kung gusto mo pakinggan ‘yong ginawa kong online mix tape, punta ka dito.

Salamat. 🙂

 

 
Leave a comment

Posted by on April 19, 2012 in MUSICgasm, Rants and Raves

 

Babae nga Ako

Since high school, ginamit ko na ‘yong lalaking nickname na bigay ng tatay ko. At noong college, mas naging prominente na ‘yong pagtawag sa’kin gamit ang nickname ko kesa sa totoong pangalan ko. Ito na rin ang tawag sa’kin sa office. Higit sa lahat, ito na rin ang naging pakilala ko sa mga taong bagong salta sa paningin ko. Eh kasi ‘pag sinabi ko pa ang buong pangalan ko, tatanungin pa kung ano ‘yong pwedeng tawag sa’kin, might as well give out my nickname right away. Wala ng pahirapan pa.

Kaso mo, ang nickname ko eh panglalake. So, madalas, ang comment either “lalaki ka?” or “tomboy ka ba?” Ay naku naman. Babeng babae pa rin ako (kahit na minsan nagka-crush ako sa babae) na may boobs at perlas. Mas lalong mahirap ipaliwanag ito ‘pag may nakausap kang tao from rooms sa ng Yahoo. Oo, ‘yong makikipag-chat sa kung kani-kanino pampalipas oras, Pinoy man o Foreigners. Minsan kasi nati-trip-an ko na kumausap ng mga tao virtually kahit ‘di ko kilala. O kaya member ka ng isang forum at active poster ka dun. Sabihin poser ka pa. Hahahaha. Mahirap ipilit sa mga chatters/posters na BABAE AKO. At syempre tinatawanan ko na lang ‘yong ganung eksena.

Sanay na sanay na ‘ko sa pagtawag sa’kin gamit ang nickname ko. Kapag may tumawag sa’kin na gamit ang totoo kong pangalan, pakiramdam ko, ibang tao ‘yon. Masama ba ‘yon? Katulad na lang kasi noong Linggo. Nasa mall kami ng kapatid ko, nanay at tatay ko, nang biglang narinig ko ‘yong totoo kong pangalan. Hindi ko na lang pinansin. Kaso mo, ‘yong nagsambit ng totoong pangalan ko eh tinapik ako sa balikat. At doon ko lang na-recognize na ako ‘yong tinatawag nya. Pakiramdam ko nga kasi ibang tao ‘yong tinawag nya. Oh well. Classmate ko pa lang sya noong elementary at amazing, kasi kilala nya pa rin ako at ang totoong pangalan ko.

Mahirap na rin na iprisinta sa mga naging kaibigan ko noong elementary ‘yong nickname ko. Matagal ko na silang ‘di nakikita at hindi naman lahat ay ka-close ko. So dahil dyan, pagbibigyan ko silang tawagin ang maganda at totoo kong pangalan. Way na rin siguro ito para ipaalala na,

“Bruha, nage-exist pa ‘yong totoong pangalan mo oh” 🙂

 

 
3 Comments

Posted by on April 12, 2012 in Rants and Raves