RSS

Monthly Archives: February 2013

Films for February

11 movies for 28 days of February. Not bad. 🙂

 

1. Mean Girls by Mark Waters. 2004. (3rd time to watch this)

 

2. Crows Zero by Takashi Miike. 2007.

 

3. Crows Zero 2 by by Takashi Miike. 2009.

 

4. Spice World by Bob Spiers. 1997.

 

5. Les Misérables by Tom Hooper. 2012.

 

6. Moonrise Kingdom by Wes Anderson. 2012.

 

7. Pitch Perfect by Jason Moore. 2012.

 

8. Secretary by Steven Shainberg. 2002.

 

9. Lawless by John Hillcoat. 2012.

 

10. Thy Womb by Brillante Mendoza. 2012.

 

11. Muli (The Affair) by Adolfo Alix Jr. 2010.

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on February 28, 2013 in Movies & Television

 

Tags: , ,

Random Short Story #2

The story originated way back in high school. Simpleng story na nabuo habang nasa jeep ako. Hindi ko na lang din naisulat. Kung naaalala ko pa, nabuo ang story na ‘to dahil sa isang senior ko sa theater org. I’m not sure exactly why. But anyway, I tried to recall kung ano ‘yong mga details. Pero one thing is for sure, involve ang kalye ng Pedro Gil. Raw na raw. Cliche na cliche.

Nag-pula na ulit ‘yong stop light. Tumingin ka ulit sa relo mo. Bente minutos na at wala pa rin. Hindi pa rin dumarating ang pagka-inip. Hintay pa. Inom ng tubig. Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa at tingin ng diretso. Maraming estudyante na ang nagsisiuwian. Panay mga high school students. Ang kalye ng Pedro Gil din ang binabaybay mo noong high school ka. Alas-kuwatro ang uwian mo. Rush hour ng mga estudyante. Isa ang Pedro Gil sa mga abalang kalye na napuntahan mo.

Ito rin ang kalye kung saan mo naging close ang mga kaibigan mo sa parehong eskwelahan. Pareho ng jeep na sinasakyan. Ito rin ang kalye kung saan ka unang nagka-crush sa best friend ng kaibigan mo. Mas naging masaya ang pag-uwi mo galing eskwelahan tuwing Lunes hanggang Biyernes. Mas naging maingat sa mga salitang binibitawan. Inaalala mo kasi na baka may mali kang masabi at lumayo ang lalaking nakakuha ng interes mo. Ika nga nila, baka ma-turn off. Palagi kang tahimik sa buong byahe. Sapat na nga sigurong kasama mo sya sa iisang jeep sa loob ng tatlumpo hanggang apantnapung minuto. ‘Yon na ata ang isa sa mga masasayang parte ng araw mo.

Wala kang sinabihan tungkol sa nararamdaman mo. Nahihiya ka. Pakiramdam mo kasi baka ma-reject ka. Kaya kahit pag-amin sa mga kaibigan mo ay hindi mo nagawa. Pero dahil lagi mo syang kasabay, hindi rin naman maiwasan na hindi kayo mag-usap. S’ya na ang unang kumakausap sa’yo. Kahit ano. Minsan tungkol sa libro. Minsan tungkol sa bagong palabas sa sine. O kaya tungkol sa subjects sa school. At napunta na rin sa mga personal na bagay tulad ng ilan kayong magkakapatid, anong mga ginawa mo noong nakaraang Sabado at Linggo. Pakiramdam mo, tinatanggal nya ang kaba mo kapag kasama mo sya. Hindi naman sya mahirap makapalagayan ng loob. Pareho din kasi kayo ng mga gusto. Ilang buwan din ang nakalipas at naging malapit kayo sa isa’t isa. Ingat na ingat ka pa rin sa mga salitang binibitiwan pero ang dahilan ay baka masabi mo ang hindi dapat sabihin.

Hanggang natapos ang high school ay hindi mo rin nasabi sa kanya. Mas malaki pa rin ang takot mo kesa sa katawan mo. Magkaibang eskwelahan ang tinuluyan n’yo sa college. Pero hindi rin naman sya nakalimot sa’yo. Pasalamat ka at nauso na ang social networking sites, kahit paano ay mas madalas ang komunikasyon nyo. At dahil dito ay hindi mo naiwasan na mas lalo syang gustuhin. Hindi mo naman pinigilan ang nararamdaman mo. Pero hindi ka aamin sa kanya. Katwiran mo ay babae ka at hindi ‘yon ang normal na gawain ng isang babae.

At noong nakaraang linggo nga ay inaya ka nyang dumalo sa birthday ng best friend nya. Isa pa ring imbitasyon ang natanggap mo mula sa kanyang best friend. Hindi ka sana dadalo pero dahil dalawa na silang nag-imbita ay nahiya ka na rin. Nagsabi sya na sabay na kayo na pumunta tutal ay malapit naman ang eskwelahan nya sa Pedro Gil at ikaw ay doon din naman bababa. Walang kaso sa’yo. Masaya nga ‘yon.
Nakailang palit na ng pula at berde ang traffic light. Ilang tren na ng LRT pa-south bound at north bound ang dumaan. Wala pa rin ‘yong lalaking hinihintay mo. Aba at apatnapung minuto na pala ang nakalipas. Naiinip ka na kaya panay ang lingon mo sa lahat ng direksyon. At sa huling lingon mo sa iyong kaliwa mo ay nakita mo na papalapit s’ya. Otomatiko ang ngiti n’yong dalawa.

Sorry, late ako. May tinapos lang akong photocopy ng readings.

Okay lang. Sagot mo.

Lagot na naman ako sa girlfriend ko.
Bigla ang pagtitig mo sa kanya.

Oo nga pala, Jen. Girlfriend ko na ang bestfriend ko. Kaninang umaga lang ako sinagot. Sakto sa birthday nya.

Sabay ang matamis na ngiti nya.

Biglang huminto ‘yong ikot ng orasan mo. Para kang na-estatwa.

Halika na. Baka magalit na ‘yon Tsaka excited kang makita ni Lanie.

Nakangiti pa rin sya.

 
Leave a comment

Posted by on February 11, 2013 in Made Up Stories

 

Tags: , , , , ,

Of Weddings and Babies

Just this Monday (February 4), one of my closest friends, Ninay, got married. Parang kelan lang, ang haggard namin palagi dahil sa thesis, radio drama, kaliwa’t kanang interviews from different people, late night editing at kung anik-anik pa. Parang dati lang, ang iniisip mo lang palagi ang sarili mo at mga bagay na gusto mong maabot.

Isa lang ibig sabihin nyan, patanda na kami ng patanda. Kung dati lakwatsa at attend lang mga sari-sarili naming birthdays ang present sa social calendar namin, ngayon nag-iiba na. Andyan na ‘yong nagkaka-baby na ‘yong mga kaibigan mo, uma-attend ka na ng mga binyag at mga kiddie parties. At ngayon nga, wedding. Nag-iiba na ‘yong laman ng social calendar mo. Sa opinyon ko, mas nagiging mature na ‘yong mga events sa buhay natin. More responsibilities. Tulad ng pagpapakasal, it takes a lot of courage and readiness to commit to a lifetime responsibility. I’m wondering kung anong feeling nya ngayon na iba na ‘yong apelyido nya. Na iba na ‘yong uuwian nya ng bahay sa mga susunod na mga buwan. Na hindi na magulang at kapatid nya ang makakasama nya sa pagtulog nya. Na hindi na lang din sarili nya ang palagi nyang ico-consider. Ang tapang lang ni Ninay and I salute her for that. Sa dami kasi ng mga hindi magagandang istorya tungkol sa married life, parang minsan mahirap sumugal. 

Hindi ako takot magpakasal, it’s just that I am preparing myself to the least thing that could happen to me. Be an old maid. Walang asawa. Actually, matagal natanggap ko na may malaking possibility na mangyari ‘yon. Not being negative but I see it as the reality. I don’t mind growing old with just my brother and his future family around me. At syempre, kasama pa rin ang parents. I didn’t know exactly kung kailan ko na-accept na I could be an old maid at hindi na talaga sya naging big deal sa’kin. I know sasabihin ng iba na mahirap mag-isa ‘pag tumanda pero pwede naman siguro akong magkaroon ng marami pang kaibigan sa mga susunod na taon.

Hindi ko rin kasi makita ‘yong sarili ko na ikakasal. Ang weird. ano? Pero syempre, change is the only constant thing in the world. Just recently, naisip ko rin na baka pwede rin naman akong ikasal. Few things that changed my mind:

1. Gusto ko ng human blanket kapag malamig.

2. Sige na, gusto ko rin naman may kakwentuhan ng mga kung anu-anong bagay hanggang sa tumanda ako. Kahit non-sense ‘yong topic, ayos lang.

3. Gusto ko ng travel buddy na pwede kahit kailan at kahit saan.

4. 🙂

Na-imagine ko rin paano nga kung may mag-offer ng marriage sa’kin (syempre sana galing sa taong gusto ko di’ba), tatanggapin ko ba? Aba, syempre oo! Hindi ko tatanggihan ‘yon lalo na ‘pag gusto/mahal ko ‘yong tao. Ibig sabihin, reciprocated ang feelings ko. By the time siguro na may marriage proposal para sa ‘kin, eh ready na ‘ko emotionally at kahit paano financially stable na rin ako. Iba ang married life. It needs a lot of hard work from both parties. You are going to share your world with someone na kaya mong makasama sa mahabang panahon. ‘Yong I magiging WE na.

When you get married, syempre sunod dyan baby na. Ninay and James, her hubby, will have their baby blessing around July. Na-excite naman ako para sa kanila. By Christmas, complete family na sila. Bongga lang.

At isa pang malaking responsibility is ‘yong pagkakaroon ng baby. Hindi ko rin makita ‘yong sarili ko na magkaka-anak. Natatakot ako manganak, ‘yon ang unang rason ko. Masakit naman kasi lalo na ‘pag naririnig mo ‘yong mga kwento ng mga kakilala mo about sa pagle-labor nila. Nai-imagine ko pa lang eh ayoko na talaga. Kahit sa dulo ng kwento nila may “Nawawala na ‘yong sakit once na nakita o nahawakan mo na ‘yong baby mo”. Pakiramdam ko pa-consuelo de bobo lang nila ‘yon. Ang sama ko lang eh no. Wala pa nga ako dun sa sitwasyon, umaayaw na ‘ko.

Sabi ng iba, hindi daw kumpleto ang pagkakababae mo kung wala kang anak. Eh paano kung ‘di ka naman talaga pwede magka-anak, ano ‘yon, wala ka ng karapatan maging babae. Ah basta. Nakakatakot pa rin mangananak. Pero tingin ko, mas nakakatakot magpalaki ng anak. Nakakatakot in the sense na magiging mabuting tao kaya sya ‘pag tumanda. Gets mo? Basta ganun.

Again, change is the only constant thing in the world. Habang tumatanda, nag-iiba na ‘yong pananaw mo sa buhay. At sa pagkakaroon ng anak/baby, baka pwede ko rin syang gawin in the future. Baka may K ako para magka-anak. Things that triggered to change my mind:

1. Sayang kasi ‘yong kaputian ko. Hahaha. Ang babaw. Ang selfish.

2. Gusto ko na may magmana ng taste of music and movies ko.

3. Baka kaya ko pang mag-sakripisyo ulit para sa ibang tao at tapos magiging masaya ako.

4. 🙂

Aba, akalain mo ‘yon, ang dami kong sinabi. Sige na, baka maburyong ka na eh.

 
16 Comments

Posted by on February 7, 2013 in Rants and Raves

 

Tags: , , , , , ,