In 12 hours, I’ll be leaving my age, 25. So, I guess, alam mo na ‘yong edad ko nyan.
Truth is, I’m not excited at all. Kahit naman naman dati pa, hindi talaga. I don’t know if that’s a problem. That’s just an ordinary day. Kaninang umaga, magkahiwalay na tinanong ako ng nanay at tatay ko kung anong balak ko bukas (28). Sabi ko wala which is totoo naman. Kahit ‘yong mga friends ko eh nagtatanong. Hindi ko sure kung kelan at bakit wala akong planong ginagawa tuwing sasapit ang birthday ko. Kahit nga nung nag-18 ako, walang party at napilitan pa ‘ko mag-invite ng dalawang kaibigan ko para lang masabing may bisita ako. Iniisip ko nga kung magbabago ‘yang ganyang ugali ko ‘pag mas tumanda pa ‘ko.
But one thing’s for sure, naging meaningful (wala akong maisip na ibang adjective) ang 25th year ko sa mundo.
- Maraming naganap (sabi nga sa old school slumbook: Many to mention)
- maraming emosyon ang naipon/naiipon (kailangan ng separate blog post nito)
- may mga major alis (check my Travel category)
- may mga first time na nangyari (deserves another page)
- nakakilala ng mga taong pwedeng maging kaibigan sa mahabng panahon
- there are things na ngayon ko lang din nalaman. Parang realization ba. (next time)
My 25th year IS something that I’ll treasure. The age made a slight difference on my perspective in life and brought some things that I didn’t know exist and could really happen. I can’t say that I became wise but I’m proud to say that I became 30% more responsible in dealing with life everyday. I never thought that I would be more outgoing and ‘loosen up’ would best describe it.
Do I make birthday wishes? Oo naman. Kahit paano meron kaso lang madalas hindi para sa’kin. Hindi ko rin kasi naging ugali na humiling ng para sa’kin. Mas ok pa ‘ko ‘pag hihiling ako para sa ibang tao. At salamat kay Lord kasi tinutupad nya ‘yong mga hiling ko para sa ibang tao. Nitong mga nakaraang buwan lang ako nagkaroon ng major prayer/wish na para sa sarili ko and I felt guilty pa. Haha. Mukhang tanga lang ‘no. At ngayong sasapit ulit ang birthday ko, as usual, ang mga kahilingan at pinagdarasal ko eh para sa iba. Alam ko parang ang ipokrito ng dating, parang nagbubuhat ng sariling bangko, pero totoo ‘yan. Hanggang salita lang naman ako ng ‘GUSTO KO YAN’, ‘GUSTO KO NUN’, ‘SANA GANITO AKO/MAY GANYAN AKO’.
Well, anyway. Sa susunod kong edad, sana matupad lahat ng mga ‘to. Obligatory wishes ‘to, actually. Kasi tuwing sasapit ang birthday ng tao, parang obligasyon nya talagang magkaroon ng wish. Realistic naman sila feeling ko.
- Makapunta sa: Batad, Ifugao. Sagada, Mountain Province. Baler. Quezon (Pahiyas Festival ulit at beach siguro). Cebu (I want to conquer Osmeña Peak). Pico de Loro (gusto ko ng tapusin ‘yan dahil hike lang ginawa namin before). Isa sa provinces ng Region 2 (sana). So far, ‘yan lang muna.
- Matapos ko ng matiwasay ang financial obligation ko for the future. I really must do it.
- Sumama sana ‘yong kapatid ko ‘pag may layas ako.
- Makabili ng turn table. Wala na kasi ‘yong dati namin. Dami pa naman naming plaka.
- Maging kuntento. Importante na 100% ko ma-achieve ‘to.
- Sana matupad rin ‘yong lagi kong dinarasal para sa sarili ko for the past few months. Hindi ako sigurado kung may pag-asa ‘yon pero malay ko. In-expect ko na malabo rin sya. Baka magkaroon ng conspiracy bigla.
I’ll see you in 2014. 🙂
P.S. Walang arte ng bold or italics ang post na ito. Patunay na tinatamad ako. Or for a change siguro.