RSS

Monthly Archives: August 2012

Films for May to August

Okay, okay. This post has been left behind. I should update this kind of post on a monthly basis. I will remind myself of that.

Anyway, here they are:

1. Fight Club by David Fincher. 1999 (Seen this for second time)

2. Drive by Nicolas Winding Refn. 2011

3. I Saw the Devil by Jee-woon Kim. 2010

4. We Need to Talk About Kevin by Lynne Ramsay. 2011

5. The Ides of March by George Clooney. 2011

6. Chloe by Atom Egoyan. 2009

7. Like Crazy by Drake Doremus. 2011

8. Midnight in Paris by Woody Allen. 2011

9. Infernal Affairs by Wai-keung Lau and Alan Mak. 2002

10. The Departed by Martin Scorsese. 2006

11. The Dark Knight Rises by Christopher Nolan. 2012

12. The Amazing Spider-Man by Marc Webb. 2012

13. Last Tango in Paris by Bernardo Bertolucci. 1972

14. Carrie by Brian De Palma. 1976

15. The Artist by Michel Hazanavicius. 2011

16. The Descendants by Alexander Payne. 2011

17. I Spit On Your Grave by Steven R. Monroe. 2010

18. The Dictator by Larry Charles. 2012

19. The Taking of Pelham 123 by Tony Scott. 2009

20. Jackass 3.5 by Jeff Tremaine. 2011

I’m not sure if these are all the films I’ve seen over the course of four months but I’m close to the real number. 😀

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on August 30, 2012 in Movies & Television

 

Tags:

Eraserheads Reunion Concert

Sa araw-araw na pagsakay ko ng bus, hindi pwedeng walang nakasalang na pelikula sa TV nila. Foreign man o tagalog. Madalas ng paulit-ulit ko nang napapanood ‘yong mga pelikula. Sa bus ko rin minsan nasisimulan at natatapos ang isang pelikula na hindi ko napanood sa sine o hindi ko man lang na-download. Kadalasan, ang corny ng palabas at gugustuhin mo na lang na matulog o ‘di kaya makinig na lang sa mp3 or iPhone o kung ano mang gadget meron ka.

Pero kakaiba ang araw na ito. Mantakin mo, ang nakasalang na DVD eh ang reunion concert ng Eraserheads.  In-off ko ‘yong mp3 ko at nakinig/nanood na lang ako sa concert. Sobrang na-appreciate ko ‘yong bus at sila kuyang driver at kundoktor. For the first time, hindi ko pinansin ang mp3 ko.

Eto ‘yong concert na hindi ko napuntahan. One missed opportunity I had. SAYANG NA SAYANG. Bakit? Wala kasi akong sapat na budget noon at graduating pa ‘ko. So, in short, wala sya sa priority ko. Hindi man lang ako makahirit sa nanay at tatay ko dahil alam ko naman na marami silang pinagkakagastusan noon. At ako, maraming bayaran lalo na sa thesis.

Dalawang beses nag-concert ang Eheads, pero olats talaga. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makita sila. Eto ‘yong mga panahon na sana may boyfriend ako. Boyfriend na mayaman tapos ililibre nya ‘ko ng concert ticket ng Eheads. Pagkakataon nga naman. Hindi na mababalik ‘yong chance na makita silang tumugtog sa isang stage.

Nakakalungkot lang. Hanggang boob tube na lang ang panonood ko. Hanggang cassette tape at downloaded tracks ang pakikinig ko. Oo nga pala, paborito ako ang Cutterpillow at Sticker Happy. May cassette tape kami nyang dalawang album na ‘yan.

Konting tracks na gusto ko (marami akong favorite, actually):

Gusto ko ‘tong Tikman kasi ang sensual ng dating sa’kin. Wala lang.

Eto ang paborito ko sa lahat. Fine, fine time.

 
Leave a comment

Posted by on August 29, 2012 in MUSICgasm, Rants and Raves

 

Tags: , , , ,

Online Mixtape vol. 2

Viola! I am done with my second online mixtape. Just too happy to share this one to you. Actually, this is long over due post. I should have posted this the moment I finished that mixtape. Tinamad lang.

Anyway, this is the complete list of the tracks I included on my mixtape:

I received some pretty comments from the listeners. Heh. 🙂 They liked it. Should be doing the third mixtape by next month, been thinking of a good theme for that.

If you want to listen to some of my favorite songs (or if you dig this type of music), just go here. Happy listening! 😀

 
Leave a comment

Posted by on August 25, 2012 in MUSICgasm, Rants and Raves

 

Tags: , ,

Maganda Ka Sana Kaya Lang

tinapon mo ‘yong maliit na tisyu sa daan. ‘Yong daan na ‘yon eh dinadaanan ng mga tao galing SM Makati, Glorietta at Greenbelt papuntang MRT Ayala station at abangan ng bus. Pansin ko sa daan na ‘yon, hindi naman madumi. O baka naduling lang ako? Ate, bakit mo tinapon ‘yong tisyu na ‘yon sa daan? Hindi ba kasya sa bag mo? Wala kang bang mahahanap na basurahan sa daraanan mo?

Ang tangkad mo. Maputi ka. Tuwid na tuwid ang buhok. Maganda ka rin naman. Pero nakakawalang gana ‘yong pagtapon mo ng basura. TURN OFF ikaw nga ng mga lalaki. Ang big deal sa’kin ano? Maliit lang na basura ‘yon eh bakit nagrereklamo pa ‘ko ng ganito? Saan ba nagsisimula ang malaking problema? Hindi ba sa maliit at hindi pinapansing mga bagay?

Ang alam ko kasi, bata pa tayo eh tinuturuan na tayo ng magulang natin na magtapon ng kalat sa TAMANG BASURAHAN at hindi kung saan saan. Sa bahay pa lang dinidisiplina na tayo. Ewan ko kung anong nangyayari na. Ako nga, ‘pag nakain ako sa bus, jeep o ano mang lugar, nilalagay ko muna sa bag o bulsa ko ‘yon kalat. Alam mo/nyo bakit? Syempre ayoko namang masyadong pabigat sa problema ng baha sa bansang ‘to. Kahit ticket ng bus, hindi ko tinatapon sa kung saan.

Tapos ang kukupal nating magreklamo na kesyo kasalanan ng gobyerno kaya taun-taon na lang ang pagbaha sa’tin. Sunud-sunod ang paninisi natin sa iba. Ang kapal lang natin na ngumawa ng ngumawa sa ganitong problema pero hindi natin pinapansin ang kamalian natin. Kung gusto natin na maging maayos ang ganyang problema, dapat sinisimulan natin sa sarili natin. Kahit na maliit na bagay ‘yan, maano ba’t magiging mabuti rin ang lagay sa kalaunan.

PAKIUSAP: MAGTAPON NAMAN TAYO NG BASURA NATIN SA TAMANG BASURAHAN.

Hindi naman siguro mabigat na gawain ito, hindi ba?

 
2 Comments

Posted by on August 24, 2012 in Rants and Raves

 

Tags: , , , ,

Torpe

Hindi lang naman lalaki ang torpe. Kaming mga babae rin. Katulad ko na hindi man lang masabi na,

“Let’s meet this Saturday afternoon.”

Sinabi ko kasi na may trabaho ako ng weekend. So, nag-conclude sya na hindi n’ya ko makikita over the weekend. Pero dahil gusto ko rin syang makita, sinabi ko na we can meet that day. Willing naman ako para sa alok nyang mag-food trip sa araw na ‘yon o kung magkape man o bahala na.

Ang sagot lang eh,

“I don’t want to meddle with your work.”

Naiintindihan ko naman kasi ‘yong punto nya. Ako rin ayokong nakakaabala sa trabaho ng iba. Minsan ibang usapan na lang din kung may gusto ko dun sa taong ‘yon. Kung alam n’yo ‘yong love language (Google nyo na lang), ang akin dun eh Quality Time. Siguro, eto ‘yong mga pagkakataon na pwede kong ipakita na gusto ko ‘yong taong ‘yon o kung may mas malalim pa ‘kong nararamdaman sa kanya.

Sa totoo lang, pwede ko naman talaga syang kitain dahil pwedeng 4 hours lang ang ipasok ko that day. Kaya lang, ayun, hindi na ‘ko naglakas ng loob para ipilit pa. Hindi rin naman ako mapilit na tao. Pero kasi…

Pero shit, nalulungkot ako ‘dun. Baka kasi wala na naman akong pagkakataon na makita sya ng mas madalas. Hindi naman sa mangingibang-bansa sya. Within the country lang din. Kung tutuusin, pwede ko syang puntahan doon pero hindi kasing dalas kung nasa Metro Manila sya. Magtatagal sya dun sa pupuntahan nya. For good? Hindi ako sigurado. Napag-usapan na namin ‘yung ganyan ganyan.

Para ‘kong nabasted dun sa sagot nya. Alam mo ‘yon. Tipong medyo nawalan ka ng energy at na-rattle bigla ‘yong utak mo. Gagawa ka pa lang ng damubs mo, rejected ka na. O baka OA lang ako mag-isip?

Hindi ko alam kung bakit pino-problema ko ‘to eh. Siguro nanghinayang lang ako. Nalungkot ng biglaan

Pasensya na. Masyadong emo ang post na ito. Pagbigyan n’yo na ‘ko, okay?

Salamat.

 
1 Comment

Posted by on August 22, 2012 in Rants and Raves

 

Tags: , , ,